Chapter 12: Henson

11.8K 351 26
                                    

HENSON POV 

Ngayon, naandito ako ngayon sa opisina ni Zach.. at umiiyak ito ngayon matapos ikwento lahat lahat ng nangyari kahapon at ang masamang nararamdaman nito kay Nathan... 

Malungkot ako ngayon para sa kaibigan ko kasi nga broken hearted ito pero di ko din naman maiwasan na mainis at magalit dito dahil sa ginawa niya kay Nathan 

"Ang sakit lang talaga malaman na may iba na si Nathan" sabi ni Zach habang umiiyak ito.. Tss.. kay Nathan lang siya nagkakaganito.. ewan ko ba dito kung bakit pinagpipilitan niya ang sarili niya sa taong ayaw naman siya.. well wala naman akong magagawa.. its his decision.. Naandito lang ako para suportahan siya.. Hayyy love nga naman.. bakit ba kasi laging may dulot na sakit ang LOVE sa mga tao! Hindi ba pwedeng hindi masaktan dahil sa Love? Hindi ba pwedeng puro saya na lang? 

"Alam mo Zach.. nalulungkot ako para sayo dahil sa nararanasan mo ngayon, pero hiningan mo ba si Nathan ng explanation? Baka meron siyang dahilan kung bakit ganoon" malungkot kong sabi dito 

"Tsss.. para saan pa? Eh nakita na ng dalawa kong mga mata! Nakita ko na kung paano niya yakapin si Roxie! yung girlfriend niya! Nakita ko na kung paano niya ako lokohin!" galit na sabi nito.. habang umiiyak pa din.. 

Bigla naman akong nagulat sa sinabi nito.. 

"So it means hindi mo siya hiningan ng explanation? And you mean na ginawa mo lahat yun kay Nathan nang hindi mo man lang ito hiningan ng dahilan?" takang tanong ko dito.. 

"Hell! I dont need his damn explanation! At saka sino ba makapagsasabi na totoo lahat ng sasabihin niya!?" matigas nitong sabi.. 

Napabuntong hininga na lang ako.. tsss.. Ganito talaga katigas ang puso ni Zach eh! Bastat makita niya.. yun ang totoo! Hindi na siya humihingi ng Explanation dahil hindi siya marunong makinig sa mga ganoon! 

Sa aking palagay parehas naman silang may kasalanan eh.. Si Nathan nakipagkita sa GF niya nung highschool at nagawa nitong tumakas sa Mansion.. eto namang si Zach masyadong naging harsh kay Nathan... hindi man lang ito hiningan ng explanation.. tsss.. 

Hayyyy ang gulo naman ng love story nila author! Pwede ba yung aking love life na lang para mas maayos!? Kating kati na ako para sa story namin ni Adam ko eh! >.< 

Napatitig na lang ako kay Zach habang patuloy pa rin sa pag agos ng luha niya.. 

"Zach hindi naman sa kinakampihan ko si Nathan pero siguro dapat hiningan mo siya ng explanation.. dapat hinyaan mo siyang mag explain.. papano kung mali pala yang nakita mo I mean may explanation naman diyan sa nakita mo?.. Eh di gumawa ka pa ng malaking kasalanan.." sabi ko dito 

"Tsss.. Hindi ako gumawa ng kasalanan! He deserves it! Kaya mula sa araw na ito.. kakalimutan ko na ang feelings ko sa kanya kasi habang tumatagal nasasaktan lang ako.. ipaparanas ko na sa kanya ang sakit na nararanasan ko ngayon!" galit na sabi nito 

Napailing na lang ako dito.. iba kapag nagalit itong si Zach eh.. Parang walang sinasanto.. basta makaganti to.. hindi na niya ito titigilan.. 

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now