Chapter 26: Bestfriend

8.1K 236 2
                                    

NATHAN POV 

Nagising ako nung makarinig ako ng ingay sa gilid ko. Para bang may nagtatalo sa gilid ko..

Napadilat ako ng mata at agad kong nakita si Yna at Eya na nagtatalo sa gilid ko..

"Sabi ko sayo eh! Magiging sila ni Master pag uwi nila galing ng bakasyon nila!" bulalas ni Yna

"Talaga? Parang hindi naman! Straight kaya yan si Nathan" sabi naman ni Eya na parang di talaga naniniwala..

"Hindi! Sila na talaga! Ramdam ko kagabi eh! Nung nakita ko si Master kagabi na buhat buhat si Nathan na parang bagong kasal lang! Yiee kakilig!" sabi naman ni Yna na parang kinikilig pa

"O? Sayang di ko nakita! Di mo man lang ako tinawag! Pero Kilala ko yan si Nathan eh! Pakipot yan sa feelings nya eh! So papano magiging sila niyan ni Master?" tanong naman ni Eya

"Yan ang aalamin natin pag nagising itong si Nathan" sabi naman ni Yna.

Napangiti na lang ako sa dalawa at napailing.. namiss ko itong dalawang babaeng ito! Pero teka.. binitbit ako dito ni Zach? sa kwarto ko dito sa manson niya? Hayyy.. hindi niya man lang ako ginising!

"O ayan na pala eh! Gising na ang ating soon to be master din natin!" masayang sabi ni Eya

Agad silang lumapit sa akin at tinabihan nila ako sa kama.. tinitigan na parang may ginawa akong masama..

"So anong kwento?" sabi ni Yna.. napabuntong hininga na lang ako.. wala talaga akong ligtas sa dalawang chismosa na ito!

~~~~~~

"Kyaaaaa! Talaga ginawa sa iyo yun lahat ni Master?" halos makilig kilig pa na sabi ni Eya

"Yup.. maging ako, di ko din ineexpect na gagawin niya ang lahat ng yun eh" sabi ko naman

"Ikaw na Nathan! Ikaw na boyfriend ni Master, Ikaw na Baby ni Master, Ikaw na bebe ni Master, Ikaw na hubby ni Master, Ikaw na talaga!" sabi naman ni Yna

Nagtawanan na lang kami sa sinabi niya..

"Nasaan nga pala si Zach?" tanong ko sa kanila

"Ayun! Maagang umalis.. and I think sa office ang diretso nun!" sabi ni Yna

Napatango na lang ako as a sign na 'ok' pero for some reason.. nakaramdam ako ng lungkot.. feeling ko kasi mababawasan na ang time niya.. I mean mahahati na.. iba sa nakasanayan ko nung nasa palawan kami na pagkagising ko ay siya kaagad ang makikita ko.. hayyss.. Pero kailangan niya siyempre magtrabaho.. hindi naman puro AKO lang.. kaya naiintindihan ko na kailangan niya iyun gawin para sa kompanya niya..

Naandito kami ngayon sa dining area.. kumakain ng almusal.. at masaya pa din kaming nagkukwentuhan

"So ano naman nangyari dito habang wala kami?" tanong ko sa kanila

"Hayy isang malaking BORING.. wala ka kasi eh! Kaya wala akong maasar at mapag tripan" sabi ni Eya

"So ganun? pag naandito ako.. ako lang talaga napagtitripan mo ha?" inis na sabi ko dito.. tumawa ang bruha sa akin na mas lalo kong ikinainis..

"Eto naman joke lang! alam mo namang loves na loves kita as a friend eh! haha" sabi nito na ikinailing ko na lang at subo ng kanin..

"Nga pala... may lalaking pumunta dito noon eh.. nung isang. isang. isang. isang. isang araw pa.. Cyrus ata pangalan?" sabi ni Yna na ikinatigil ko sa aking pag nguya.. Shit.. eto na nag uumpisa na

"A-Ano naman ginawa niya dito?" tanong ko sa kanila..

"Actually hindi siya nakapasok ng Mansion, hangang doon lang siya sa gate.. hinahanap ka niya at nung hindi sinabi nung mga guard kung nasaan ka.. eh ayun.. parang naiinis pa at tapos nun ay pinaharurot ang sasakyan" kwento ni Yna

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now