Chapter 10: The Ex Girlfriend

16K 390 19
                                    

NATHAN POV 

"Long time no see ah... my loves ko" sabi nito sa akin. 

Hanggang ngayon.. di pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon.. Hindi kami nagkaroon nito ng formal break up nitong si Roxie.. kaya di ko masabing Ex ko siya..Iniwan ko lang kasi si Roxie noon at hindi ako nagpaalam dito.. basta basta lang ako nag transfer ng hindi nagsasabi sa kanya dahil sa galit ko noon kay Zach.. 

"H-hi" sabi ko.. di ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya 

"Ang laki na ng pinagbago mo ah.. mas lalo kang gumwapo" sabi ni Roxie habang nakangiti ito sa akin.. 

Ewan ko kung ano sasabihin ko sa kanya.. Mag sosorry ba ako sa kanya sa ginawa kong pag iwan dito ng walang pasabi? Ewan di ko alam.. 

"O bakit di ka man lang nag sasalita, nakatunganga ka lang sa akin?" tanong nito 

"Ka-kasi di ko alam sasabihin ko sayo" nahihiya kong sabi dito 

"Hayy.. naku Nathan.. past is past.. kinalimutan ko na yung nangyari.. ang mahalaga ngayon nagkita tayo ulit at pwede nating ibalik ang nasimulan natin noon.. and besides hindi naman tayo noon nag break kaya parang Mag BF at GF pa rin tayo ngayon!" Nakangiting sabi nito 

"Pe-pero di mo naiintindihan.." malungkot kong nasabi dito.. 

Oo, masaya ako kasi bale wala lang sa kanya yung ginawa ko sa kanya noon.. ang iniwan siya.. pero di nya alam kung ano ako ngayon.. at malabo ng mangyari pa ang sa amin.. Oo inaamin ko din may feelings pa ako sa kanya pero hindi yun tulad nung dati.. 

"Alin ang di ko maiintindihan? Bakit may iba ka na ba?" takang tanong nito 

"Wa-wala.." sabi ko 

"Then... ano ang di ko maintindihan? Single ka naman pala at ako din single.. so pwede natin ibalik ang nakaraan" nakangiti nitong sabi.. 

Sasabihin ko ba? Sasabihin ko ba ang nangyari ngayon sa akin? Sasabihin ko ba na isa akong sex slave ng ka schoolmate namin noon? BETER NOT! Nakakahiya! 

"Ayan ka nanaman natutulala ka nanaman sa kagandahan ko haha.. O sige bibigyan kita ng time to think.." sabi nito tapos may hinugot ito sa bag niya.. "Heres my number.. text text na lang tayo at tawagan" nakangiting sabi nito habang inaabot sa akin ang calling card niya.. 

Wala ako sa sarili na tinanggap ang card na yun.. at tinago ko sa bulsa ko 

Nginitian nya lang ako "By the way kamusta ka na? Tagal din nating di nagkita ah?" sabi nito sa akin.. 

Ano ba? Di ko alam ang sasabihin ko.. 

"E-eto ok naman, masaya naman" pag sisinungaling ko tapos ngumiti ako dito ng pilit.. 

"Ahhh.. I see.. Alam mo bang..." di na niya natuloy sasabihin niya ng biglang dumating ang hindi inaasahan... si ZACH... 

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDKde žijí příběhy. Začni objevovat