Untold Chapter - Valentines Special 2015

6.6K 221 9
                                    

NATHAN POV

"Araw pala ng mga puso ngayon. O.M.G!" sigaw ni Eya

"Ngayon ba yun?" tanong naman ni Yna

"Ay bitter lang teh? Porket walang love life, kinalimutan na ang 14 sa kalendaryo? Hashtag Bitter si Yna" sabi naman ni Eya

"Tumigil ka nga diyan!" tapos binato ni Yna ng damit na tinintiklop si Eya sa mukha "Poket may love life ka.. Tandaan mo walang forever. Mag bebreak din kayo niyan"

Hindi siya pinansin ni Eya, busy kasi ito sa kakakalikot ng cellphone nilang dalawa. May ka text kasi.

"Oy wag mong sayangin load niyan!" sigaw ni Yna

"Naka unli to" sagot naman ni Eya tapos maya maya lang... "Emeghed! Im so kilig~ Kyahhhh!" tapos nag umpisa ng mag tititili etong si Eya nung may mabasa siyang messege "Oh my god! I cant breathe! Im gonna die!" sigaw pa nito sabay gulong sa kama

Nagkatitigan kami ni Yna. Parehas kami ng naiisip

"Ano tatawagin ko na ba si Kuyang driver?" natatawang sabi ko kay Yna

"Oo, tawagin mo na, ipadala na natin to sa mental" sabi naman ni Yna

"KYAHHHH! Wag sa mental! Sa simbahan niyo ko dalhin! Dali! Papakasalan na niya daw ako! OMG!" sigaw yan ni Eya tapos lumapit pa siya kay Yna at hinawakan sa magkabilang braso nito "Narinig mo ba yun? Papakasalan na niya daw ako! OMG! May forever talaga Yna! Meron!" nababaliw na sigaw nitong ni Eya. Natatawa lang ako sa inaasal niya ngayon

Nakatanggap siya ng batok mula kay Yna

"Hoy! Gumising ka nga! Nakakahiya ka eh. Kung tinutulungan mo na lang kaya ako sa pag titiklop nitong mga damit kesa sa lumalandi ka diyan" sabi ni Yna kay Eya

"Grabe ka naman. Ayaw mo bang mag relax Yna? Valentines day ngayon, hello! Mag pahinga naman tayo minsan. Kailangan din nating i celebrate eto no! Kaya wag kang ampalaya diyan"

"So anong balak mo?"

"Humingi ng day off kay Master, inaaya niya kasi ako mag date ngayon, ene be" kinikilig na sabi ni Eya

"Gaga ka ba? At paano ka naman makakahingi ng day off mula kay master aber?" sabi naman ni Yna

Ngumiti lang eto ng malapad bago tumingin sakin.

What?

"Okay lang yun Yna, naandito naman ang kahinaan ni Master" sabi yan ni Eya na nagpakunot ng noo ko

"Huh? Anong pinag sasasabi mo diyan?"

Hindi ko gusto ang ngiti niya sakin kaya naman napaatras ako nung lumapit siya sakin.

"Ikaw ang mag paalam sakin Nathan. Alam kong hindi makakatanggi sayo si Master pag ikaw ang humiling eh" sabi ni Eya

"Hala. Ikaw kaya ang mag sabi, ikaw ang mag da-day off eh" sabi ko naman sa kanya

"Sige na please! Im begging you Mr. Handsome Nathan" tapos nag puppy eyes pa siya sakin.

Natawa ako sa inaasal niya. In the end, sumuko din ako sa kakulitan niya.

"O sige na, sige na. Ako ng bahala" pagpayag ko

"Talaga? Thank you Nathan! Maaasahan talaga kita!" tapos yumakap siya sakin ng sobrang higpit "Wala ng bawiaan yan ah"

"Oo na" natatawang sabi ko sa kanya

Bumitaw siya ng yakap sakin

"O ikaw nga pala, anong balak mo?" tanong sakin ni Eya

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ