Chapter 27: Rain

8.1K 220 2
                                    

NATHAN POV 

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung nakauwi kami ni Zach mula sa Palawan.. tatlong araw na din ang lumipas simula nung makita ko si Cyrus na nasasaktan ng dahil sa akin.. Nag aalala na nga ako sa kanya eh.. baka kung ano gawin niya sa sarili niya.. baka masyado niyang damdamin ang ginawa kong pag reject sa kanya.

Sa tatlong araw na lumipas.. naging masaya naman ang pagsasama namin ni Zach sa iisang bubong.. Doon ko pa mas lalong nakilala si Zach bilang isang makulit, magulo, pilyo, laging nagpapakilig, MANYAK, PERVERT, MALIBOG, mabait, caring, POSSESIVE, protective, mapagmahal na boyfriend.. Grabe simula yata nung naging kami nito ni Zach.. lumabas ang ganyang mga ugali niya..

Well.. baka ganun lang talaga siya mag express ng 'love' niya sa akin.. hayy sana makatagal kami at sana siya na ang taong makakasama ko hangang sa pagtanda

Naandito ako ngayon sa kwarto, nag aayos ng gamit.. ano meron? its uwian time! Weekend ngayon so it means pwede akong umuwi sa bahay.. matagal ko na ding di nakita sila mama eh kaya medyo namimiss ko na sila..

"Ayaw mo pa ba talaga sabihin sa parents mo ang relasyon natin?" narinig kong sabi ni Zach na ngayon ay nasa loob din ng kwarto ko..

Napatigil ako sa pagaayos ng gamit ko.. napagusapan nanamin ang tungkol doon noong isang araw pa.. And ang sagot ko ay hindi pa ako handa.. Hindi ko kasi alam kung paano sa kanila ieexplain ang relationship namin ni Zach eh.. natatakot ako.. basta di ko maipaliwanag ang feeling.. ang alam ng pamilya ko.. straight ako.. at isa ako sa magkakalat ng apilyido ng mga 'Vergara' kaya baka magulat sila kapag nagdala ako sa bahay ng isang lalaki tapos ganito ang magiging senaryo..

*Enter kami ni Zach sa bahay*

'Ma, Kuya, Mark.. eto nga pala si Zach.. boyfriend ko'

And then BOOM! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction nila.. kaya medyo di pa ko handa sa mga ganung senaryo..

"Zach.. diba napag usapan nanatin ito?" sabi ko naman nung humarap ako sa kanya na ngayon ay nakaupo sa kama ko.

"Oo pero gusto ko kasi ipakilala mo na ako sa soon to be mother in law ko" sabi naman nito

Napangiti naman ako sa sinabi nito.. Kasi excited na excited siya na ipakilala ko na siya kela Mama eh.. kasi gusto niya malaman na ng pamilya ko kung ano ko siya.. kaya pinipilit niya na ako na ipakilala ko siya..

lumapit ako sa kanya at tinabihan ko siya sa pag upo sa may kama... inakbayan niya naman ako..

"Promise ko sayo, ipapakilala kita kela Mama.. pero hindi pa siguro ngayon.. kaya please give me time muna para ma iprepare ko ang sarili ko sa magiging reaction nila?" sabi ko dito

Napabuntong hininga na lang ito "Ok" tipid nitong sagot at halata na parang nagtatampo ito..

"Wag ka ng magtampo.." sabi ko sa kanya... kita ko kasi sa kanya na gustung gusto niya talaga na ipakilala ko na siya eh.. hayy.. wala naman akong magawa kasi talagang di pa ako handa..

"Ano gusto mo gawin ko ng hindi ka na magkaganyan?" tanong ko dito at parang mali ata ang naitanong ko kasi alam ko naman kung ano ang tatakbo sa isipan ntong pervert na ito..

"Haha.. alam ko namang ayaw mo ng gusto ko eh! Sige na di na ako magtatampo basta ipakilala mo ako sa parents mo pag naging handa kana ah!" sabi nito..

Napangiti naman ako sa sinabi nito.. eto pa ang isa sa nagustuhan ko kay Zach eh.. MINSAN nakakaintindi.. kaya loves na loves ko to eh.. yinakap ko siya ng sobrang higpit..

"Promise.. and thank you sa pag intindi" sabi ko sa kanya..

"I love you, Pervert!" sabi ko pa sa kanya

The Restricted Love Story (BOYXBOY) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now