Chapter 32 : Water

Magsimula sa umpisa
                                    

Bigla namang tumahimik ang paligid. Papagalawin ang tubig? Mukhang mahihirapan ako nito. Okay. Kailangan mag-concentrate. Tiningnan ko yung tubig at inangat ang kamay ko. Magtiwala sa sarili... walang dapat isipin.

....

Walang nangyari!! Argh! Ang hirap naman nito! Gumalaw kang tubig ka! Nag-concentrate pa ako. Siguro kailangan kong pumikit. Pero kung pipikit ako ay hindi ko makikita. Hindi! Kaya ko ito! Tiwala lang!

.

.

.

Isang oras...

Aahh!! Wala paring nangyayari!! Bakit ayaw sumunod sakin ng tubig na ito! Hindi ako susuko!

.

.

.

Dalawang oras...

Argh!! Bwisit! Nauubusan na ko ng pasensya! Uulitin ko! Concentrate! Tiwala lang!

.

.

.

Tatlong oras...

Ayoko na! Tumayo ako sa pwesto ko at inis na ibinaba ang kamay ko! Tinuro ko yung pound sa sobrang pagkainis at inis na itinaas ang mga kamay ko sabay sabunot sa.buhok.

" Sumunod ka saking tubig ka!! "

O.O

Nanlaki ang mata ko ng gumalaw yung tubig at humagis sa kung saan.

" H--- "

Splash!

Nakita ko ang isang lalaki na tinamaan ng tubig na pinagalaw ko. Teka? Pinagalaw ko?!! Edi nagawa ko?!! Ah! Yung lalaki nga pala.

°×°

" u-umm.. P-patawad! Hindi ko sinasadya! "

Napatungo pa ko ng ulo.

" Magsasabi sana ako ng hello pero mukhang naunahan mo ko sa pagbati mo. "

Napaangat ako ng ulo at tiningnan ko siya. Bakit may gwapo sa harap ko? Dagdagan mo pa na nabasa ko yung ulo niya.

" patawad uli " sabi ko na lang

" Hm.. nakapagtataka. Bakit ka naririto sa ganitong lugar? "

" ah..! Nag-eensayo ako "

" Nag-eensayo ka mag-isa? At base sa nakita ko, nais mong pagalawin ang tubig na nagawa mo ngang pagalawin na tumama pa sa mukha ko. Hahaha! Nakakatawa ka, binibini "

Tiningnan ko lang siya habang tumatawa. Ngayon ko lang nakita ang ganyang mukha. Sino nga ba siya?

" ahem! Pagpasensyahan mo at nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Yami. Sino ka naman binibini?."

" Lame? " patanong na sabi ko sa pangalan niya. Yon kasi yung pagkakarinig ko.

" Hindi Lame! Yami! "

Oh.. Yami pala..

" Christle Yvonne Clark "

" Hm.. kakaibang pangalan... "

" Ikaw, Bakit ka nandito? "

Ngumiti naman siya sakin. Iba kasi ang kasuotan niya. Mukhang mas matanda rin siya sakin.

" Dito ang aking tambayan. Kaya ngat ako'y nagtataka at may ibang tao rito. "

" ah.. hindi ko alam "

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon