Chapter 39 : Magic Circle

4.2K 202 11
                                                  

Chapter 39 : Magic Circle

Zahara POV

Nandito kami sa loob ng kwarto ni Christle. Iyong babae na yon! Hindi man lang samin nagsasabi kung aalis ba siya o ano.

" girls, may sulat na naman. " agad kaming napalingon kay Eleora.. sulat na naman?

" eh parang nung nakaraan lang sulat din yung nabasa natin na babalik na siya sa mundo ng mortal tapos ngayon sulat na naman? " sabi ko

" mga bakla! baka sulat na yan ng huling paalam niya. " sabi ni Brice baliw talaga..

" Ayaw niya talaga na sinasabi satin ng harap harapan. Gusto niya sa sulat pa.. " sabi naman ni Riya.. tama siya..

" Basahin na lang muna natin. Dami niyo pa diyan sinasabi " napatango na lang kami kay Eleora saka niya binuksan yung sulat.

Binasa niya ito at ang sabi..

Girls,

Nasa isang misyon ako kasama ang apat na elemento. Huwag kayong mag-alala babalik naman ako ng ligtas.

Christle Yvonne Clark

" Misyon? Loka loka to ah.. paano naman siya makakasama sa misyon? " nasabi ni Eleora

" Duh! Niloloko lang tayo ng babaeng yan. Cammon'... kasama niya daw ang apat na elemento... pinapatawa ata tayo.. ppfft.. " baliw talaga to si Brice.. eh paano kung totoo?

" Malay niyo totoo yan " sabi ni Riya. Napatango rin ako..

" Kailan ba nagbiro ang babaeng yon? " dugtong ko pa

⊙_⊙ mukha naming lahat...

" Di nga?!!! "

" OH MY GOD CHRISTLE!!! KASAMA NIYA MGA BOYFRIEND KO!!! 〣( ºΔº )〣 "

" GAGANG BAKLA! " sabay sabay naming sigaw sabay sipa sa kanya.

Boink!

Argon POV

Kanina ko pa kausap ang apat na lalaking ito. Isinalaysay ko sa kanila ang mga nangyari sa lugar namin. Seryoso lang din ang mga mukha nila. Mga bata pa sila pero alam kong malalakas sila. Ilang libong taon narin akong nabubuhay at ngayon lang ulit may nanggulo sa lugar namin. Ang Mundo ng mga Rivampi ay tago at hindi mo agad makikita kaya lang.. dahil sa mga kalaban, nasira ang pomoporotekta sa lugar namin.

Ako ang pinuno at obligasyon kong protektahan ang aking mga ka-uri pero hindi ko kaya ang lahat. Lalo na ngayong hinarangan nila ang pulang buwan na sumisikat dito sa mundo namin. Humina ang lakas namin at karamihan sa mga ka-uri ko ay kailangan ng uminom ng dugo..

" Ilang araw na din pala simula ng dumating dito ang mga dark allies. " sabi ng binatang ito na si Carswell. Dalawa lang naman yung pala salita sa kanila eh, siya at si Takeo. Si Eron nagsasalita naman samantalang ang nagngangalang Hwajae ay masyadong tahimik.

" Oo tama ka. Sa nakita niyo naman sa labas ay marami na ang nasira sa lugar namin. May ilan nading namatay na mga ka-uri namin. " sagot ko...

Bboomm!!! Aaarrrghh!!!

Agad akong napatayo ng marinig ko ang daing ng mga kauri ko.

" Anong nangyayari sa labas?!"

Maging ang apat na lalaking ito ay napatayo rin. Lumabas naman ako ng aking silid at sumilip.

" Pinuno, sumusugod na naman ang mga kalaban! " siwalat sa akin ng isa kong tauhan.

" Ipahayag mo sa lahat na maghanda ang mga kayang lumaban at magtago ang hindi. Dapat nating iwasan na mabawasan muli ang ating mga kauri. "

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon