Chapter 6: Dark Wood!

11.3K 379 11
                                    

Chapter 6: Dark Wood Forest

CHRISTLE POV

Nagising ako sa isang lugar na hindi ko naman alam kaya napabangon kaagad ako sa aking pagkakahiga sa kama. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at ang aking mga nakita ay isang normal na kuwarto ng isang babae. Violet and white yung kulay ng room pati yung kama, favorite kolor ko yung violet kaya gusto ko itong room na ito pero di ko naman alam kung nasaan ako, tiles naman na puti ang sahig. May mga appliances, may isang pinto na sa tingin ko ay ito yung restroom, may table sa tabi ng kama na hinihigaan ko at may nakapatong na lampshade then may sofa, cabinet para sa damit at kung ano ano pa. 

Tumayo na ako at dahan dahan na lumabas ng kuwartong iyon saka binuksan ang pinto at sumilip sa coridor kung may mga tao pero wala naman kaya lumabas na ako at dahan dahang naglakad. Pinagmamasdan ko ang mga dingding kasi may mga larawan at ibat- ibang mga naka- ukit na parang history ng lugar na ito. Katulad na lang ng larawan ng babaeng ito na may magandang mukha, mukhang mayaman dahil sa kasuotan nitong elegante, nakangiti siya ng totoo at may kwintas siyang suot na kulay blue na parang kumikinang o kumikinang talaga.

Meron ding mga Gods and Goddesses na ngayon ko pa lamang nakikita dahil ang alam ko lang na Gods and Goddesses ay sila Zues, Hera, Aphrodythe, Poseidon, at iba pa. May nakaukit din na digmaan na may majika na ginagamit. 

Lumiko ako doon sa isang coridor at lumiko pa sa iba pa. Grabe nahihilo na ako ... saan ba ang tamang daan? Grabe naman kasi ang laki naman ng lugar na ito. Basta kung saan saan lang ako dumaan .. di ko naman alam kung nasaan na ba ako ehh...pero sa ilang oras ko na kaka- ikot ay nakalabas din ako dahil may nakita akong pinto. Pansin ko lang .. bakit wala akong nakita na ibang tao dito? at sa bawat madaanan ko ay may mga pinto at may nakalagay na pangalan na nakasabit sa pinto. Ibig bang sabihin na nandito ako sa isang dorm? Isang Dorm ng mga babae?!

Naglakad pa ako at wala akong makita na iba pang tao bukod sakin na nandito lang mag- isa. Pero tanda ko meron akong nakitang mga estudyante dito at isang guro na mukhang istrikto bago ako mawalan ng malay. Huminto ako at inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar. Napakalawak... yan ang masasabi ko sa lugar na ito. Sobrang laki at lawak ng lugar. 

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko at nakarating ako sa isang pinto na puro Glass lang ang harang. Binuksan ko ito at nakita ko ang sobrang daming mga upuan at lamesa, tapos meron itong counter at may pagpapalian ng mga pagkain. 

So.. Ito pala ang cafeteria dito... bakit sobrang laki naman ?... kasing laki ito ng isang building namin doon sa school namin. Meron pa siyang hagdan na sa tingin ko ay may pangalawa at pangatlo pang palapag ang cafeteriang ito. Glass ang puro harang ng cafeteria at pag nasa loob ka ay makikita mo ang nangyayari sa labas nito ngunit hindi naman makikita ng nasa labas kung sino at ano ang nasa loob ng pintong ito. Namamangha ako dahil hindi ordinaryong table at upuan ang nandito. *O*

Yung table ay gawa sa yelo ata? tapos nakalutang... Paano kaya nila nagawa iyon ? .. at mukha talagang yelo yung mga table, saka yung upuan,  gawa din sa yelo na pabilog yung hugis. Meron din na mahabang upuan para pang maramihan .... Ang cool may mga fountain pa na hindi ko alam kung saan nang gagaling dahil tuloy tuloy lang ang pag- agos ng tubig sa glass at may mga halaman sa gilid ng mga ito.

Umalis na ako doon at naglakad uli. Bahala na basta kung saan ako dalhin ng mga paa ko..

Maya- maya nakarating ako sa isang malawak na lugar AS IN SOBRANG LAWAK NA LUGAR. May pahagdan siya na pwedeng maupuan. Para siyang lugar na pinaglalaruan ng golf, soccer kasi madamo yung lupa. Naglakad uli ako at ngayon napunta naman ako sa isang gym? Kasi may net yung katulad sa basketball basta ganon tapos malaki din yung space. Ayoko na magtagal doon kaya umalis na ako at pumunta naman ako sa isang ....

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon