Chapter 17 : The Winner

6K 220 12
                                              

Chapter 17 : The Winner

Third Person POV 

Rick POV 

Well, pinag - isipan ko din ito at nagets ko na kung ano yung answer sa question na ito. Kung tutuusin sobrang dali nga lang talaga. Nakatingin lang itong mukhang babaeng zombie sakin at naghihintay ng sagot ko.

 " nasa payong.. " yon lang kasi yung alam ko kung saan mapupunta ang pera kaya yon na lang yung sinagot ko

" paano mo naman nalaman na nasa payong ang isang libo na nawawala? Can you explain it ? " nakangiting sabi nito tsk explain lang pala ehh pero base lang ito sa conclusion na nasa utak ko ngayon

" Napag- isip isip ko kasi na sa payong lang iyon mapupunta. Hindi ba hindi naman itinali ng matandang lalaki yung payong niya na hawak hawak niya sa kaliwang kamay. Yung pera din ay nasa kaliwang bulsa nito at dahil nagkabanggaan sila maaaring mahulog ang isang libo sa loob ng payong dahil hindi naman ito nakatali, tama ba ? " pagpapaliwanag ko

" tama ka ! nasa payong nga ang nawawalang isang libo. Gaya nga ng sabi mo nasa kaliwang bulsa yung pera at yung payong naman ay hawak hawak din ng lalaki sa kaliwang kamay kaya doon malalaglag ang isang libo pero kung nakatali naman ang payong ay siguradong kasama din ang isang libo sa naglaglagan na pera sa sahig. Maaari ka ng makaalis. " meron siyang kinalikot tapos bumukas na lang ito kaya pumasok na ako. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa unang palapag palang ako kaya may posibilidad na meron pang ibang pagsubok bago ako makalabas dito.

Nasubok ang utak ko don ah.. feeling ko may nalutas ako na krimen hehe ^U^ Sige aakyat na ata ako may hagdanan kasi

" aaahhhh !!! wag mo ko habulin !!! "

Gray POV

Okay ... may narinig ako na malakas na sigaw at halatang si Rick yon ha.. ha..ha.. Kailangan ko munang magconcentrate since sobrang dilim dito ay talagang nakakatakot 

TEKA! 

It cannot be seen,

cannot be felt,

Cannot be heard,

cannot be smelt.

It lies behind stars and under hills,

And empty holes it fills.

It comes first and follows after,

Ends lifekills laughter

Dilim ! Dark ! that's right ! Dark ! Pag nasa dilim ka wala kang makikita, hindi din ito nararamdaman, naririnig o naamoy. Tuwing sasapit ang gabi binabalot ng kadiliman ang daigdig at tanging makikita ang mga nagliliwanag na bituin. Kung merong butas ay tanging makikita mo ang madilim.Tama !

" the answer is Dark ! " confident na sabi ko dahil sigurado na ako sa sagot ko

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon