Chapter 46 : Training 3

3.6K 179 21
                                                  

Chapter 46 : Training 3

Maagang nagising si Christle at nag-exercise. Inunat niya ang parteng nananakit. May mga pasa nga rin siya at sugat kaya naman nilalagyan niya ng gamot yung iba. Pagkatapos niyang mag-ehersisyo ay nagbihis siya at lumabas na. Hindi na nga niya nakakasabay ang mga kaibigan niya sa pagkain dahil maaga yung iba tapos tanghali na yung iba kaya mag-isa siyang kumakain pero sanay naman siya kaya parang wala lang sa kanya.

Anong bago?

Tanong niya sa sarili. Lumaki siyang mag-isa kaya normal lang sa kanya ang ganitong bagay. Pagkatapos kumain ay umalis rin siya. Dumiretso siya sa lugar na susunduin siya ni Nrel.

Habang naglalakad ay tumitingin siya sa paligid. Masyado kasing tahimik saka kaunti lang yung nakikita niyang tao.

Nag-eensayo talaga sila.

Pagkarating niya ay may lubid siyang nakita na nanggagaling sa Dead place ni Nrel.

Para saan naman ng lubid na to?

Nilapitan ni Christle yung lubid at hinila. Napadungaw naman si Nrel at nakita si Christle.

" Hello! Goodmorning! Itapak mo lang yang paa mo sa dulo ng lubid at kusa na lang yang aangat. ^_^ " Napatingin naman si Christle sa dulo at nakita niya na may nakabuhol na pabilog doon kung saan ilulusot yung isang paa. Inilusot niya naman ang paa niya at kusa na lang siyang iniakyat nito.

" Tara na! Mahirap ang gagawin mo ngayon. ^_^ " nakangiting sabi ni Nrel. Tumango na lang si Christle.

Anong bago? Lagi naman mahirap eh.

" Totoo ba na nakasama ka sa isang misyon? " tanong ni Nrel. Napaisip naman si Christle kung paano nalaman ni Nrel.

" oo. " sagot niya na lang. Napangisi si Nrel.

Iniisip niya siguro na paano ko nalaman?

" hehe... naitanong ko lang sa ka-kilala ko kaya ko nalaman. ^_^ " pagpapaliwanag niya. Tumango lang naman si Christle kahit hindi nakikita ni Nrel.

Nang makarating sila ay agad na kinuha ni Christle ang espadang gagamitin niya.
Dati nahihirapan akong i-angat ito, ngayon parang papel na lang na hawak hawak ko.

Iwinasiwas pa ni Christle ang espada ayon sa gusto niya. Tinitingnan lang naman siya ni Nrel. Kumuha rin naman si Nrel ng espada saka pumunta sa gitna.

" Hey! Pumunta ka na dito. Ituturo ko na sayo ang bago mong gagawin. Siguradong mahihirapan ka pero makakayanan mo naman. (⌒o⌒) " poker face na lumapit si Christle sa harap ni Nrel.

" Ano yon? " nginitian lang siya ni Nrel saka hinawakan ng mahigpit ang espada. Napatingin rin siya sa espada.

Ano namang gagawin niya? Kung ano anong naiisip ng lalaking 'to. ~_~

" Tingnan mong mabuti ang gagawin ko. Ilalagay ko sa iisang lugar ang enerhiya ng katawan ko. " tiningnan ni Christle ang gagawin niya at lumiwanag ang kamay ni Nrel. Ramdam ni Christle ang enerhiya na naiipon sa kamay ng binata.

" Ang tawag sa gagawin ko ay Transferring energy technique. Pwede mong ilagay ang arcanang taglay mo o ang enerhiya mo sa armas na hawak mo para mas mapalakas pa ito lalo na kung may kalaban ka. " pagpapaliwanag niya. Tumango naman siya.

" Pagmasdan mo. Papadaluyin ko ang enerhiya ko sa espadang hawak ko. Huwag ka ring mag-alala. Hindi ito bawal sa pagsubok na magaganap. Kaya naman maaari mo itong magamit. "

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon