Chapter 32 : Water

4K 185 6
                                              

Chapter 32 : Water

Pagkatapos ng klase ay dumiretso kaagad ako sa lugar kung saan ako nagensayo kahapon. Tinanong pa nga ako ng mga kaibigan ko kung saan ako pupunta kaya ang sabi ko maglalakad lakad lang. Hindi na din naman sila nagtanong pa.

Nag-usap na kasi kami ni Erie at Shui na tutulungan nila ako na malaman ang arcana ko. Tinanong ko nga kung alam nila ang arcana ko pero nanahimik lang sila. Ngayon nga lang din pumasok sa isip ko kung paano ako napunta sa D Class kung wala pa akong level. Ang sabi kasi nila sakin... ang mga baguhan daw at mabababa ang level ay nasa F Class, ang may mahihinang arcana. Kapag level 0-15 ay F Class. Level 16-30 ang E Class. Sa D Class naman ay level 31-45. Level 46-60 ang C Class. Level 61-80 ang B Class at level 81-100 ang A-Class.

At ako? Level 0. Nagtataka nga din sila kung bakit nasa D Class ako pero hayaan na.

( Erie, Shui, nandito na ako. Ano na ituturo niyo sakin? )

< Master, mas mabuti kung ang gagamitin niyo ay elemento pero ayaw pumayag ni Rav > Shui

< Bakit ko tuturuan ang isang katulad niya kung mahina ang katawan niya? Hindi niya kakayanin kung elemento ang pag-uusapan! > Rav

< Master, mukhang hindi ka talaga tuturuan ni Rav. Sigh.. > Erie

< Rav, tutulungan mo ang Master natin o hindi? >

Napakunot ang noo ko dahil may narinig akong napakalalim na boses. Hindi pamilyar sa akin.

< Lysh! Gising ka na! > Erie at Shui

Ah.. siya pala si Lysh.

< Tsk! Oo na! Ang una mong pag-aaralan ay tubig. Maraming elemento at sa tingin ko ay iyan ang madali mong makukuha. Bilisan mo at pumunta ka sa lugar na may tubig! > Rav

Hindi halatang ayaw niya akong turuan ah..

< Takot ka talaga kay Lysh, Rav! Haha! > Shui

< Tumahimik ka! Nakakairita ang matinis mong boses! > Rav

< Abat! Anong sabi mong bakulaw ka!! Ang ganda ganda ng boses ko! > Shui

< Anong maganda sa boses mo, Mangkukulam?! Ang sakit sa tenga! > Rav

< Hoy ikaw na bakulaw ka! Hindi ako mangkukulam! Sa ganda kong toh! > Shui

Shit! Ang sakit sa ulo ng sumbatan nila. Hindi ba sila titigil?

< Tumigil nga kayong dalawa! Hindi na kayo nagbago! > Erie

< Ito kasing bakulaw na toh! Siya yung nag-umpisa! > Shui

< Mangkukulam! Wag mong isisi sakin ang lahat dahil ikaw ang nanguna! > Rav

< Tulungan mo nga ko dito, Azul > Erie

< ... > Azul

Ano pa nga bang aasahan sa tahimik na Azul.

< Tumigil kayong dalawa! > Lysh

Narinig ko na naman ang malalim na boses ni Lysh. Bigla na lang tumahimik kaya naman hindi na sumakit ang ulo ko. Mabuti naman.

[ Nandito na ako. May nakita akong Pound sa loob nitong parang gubat ]

< Maupo ka sa isang tabi. Tumingin ka sa tubig at payapain mo ang pusot isipan mo. Ang tubig ay importante kaya kailangan mong isipin na iisa kayo. Kailangan mo ng tiwala sa sarili para makontrol mo ito. Ngayon, gusto kong gamitin mo ang iyong kamay upang mapagalaw ang tubig. Kailangan mong mag-concentrate. Iyon muna ang gagawin mo sa ngayon. Kausapin mo na lang ako kapag nagawa mo na. >

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon