Chapter 19 : Help !!!

5.5K 225 5
                                                  

Chapter 19: Help!!!

Third Person POV

Eeeeennggg!!!! Rrrnnngg!!!

Umalingawngaw ang tunog sa buong barko kaya nagising ang lahat ng natutulog. Sari saring katanungan ang nasa isip nilang lahat

" anong nangyayari?! "

" para saan yung sound na yon?! "

" Emergency Sound yon! "

May narinig din silang nagsasalita sa radio kaya naman pinakinggan nila ng mabuti.

" sa lahat ng tao na nandito sa barko!! may nasirang makina sa basement ang barko!! Mag-ingat tayong lahat dahil may mga malalaking alon na tatama sa barko natin! Bilisan niyo!! Kunin ninyo ang mga gamit niyo para ----- " naputol ang nasa linya

"Siiiirrr!!! " may narinig pa silang sumigaw kaya kinabahan na yung iba.

" anong nangyari?!! bakit naputol?!! "

Sari sarili nilang kinuha ang mga gamit nila at nagtipon sila sa isang lugar. Pumunta silang lahat sa may hall, may dumating din naman na staff ng barko at basang basa ito. Agad na lumapit yung mga teacher para magtanong pero hindi muna sila pinansin at dumiretso sa stage at kinuha yung microphone

" I'm sorry kung nagambala ang tulog niyo pero nasa panganib tayong lahat. Tinangay ng malaking alon ang piloto ng barko kaya yung iba naming kasamahan ang nagmamaneho pansamantala. May nasirang makina sa may basement dahil may natamaan ang barko sa ilalim na malaking bato. Sobrang lakas ng hangin, ang lalaki ng mga alon -- "

" aaahhhhh!!!! "

" wwwaaaahhhh!!! "

bawat estudyante ay napatili sa pagkagulat ng biglang gumalaw yung barko na parang tinangay ng alon at tumagilid pa ito.

" Hance! pumapasok na yung tubig sa loob ng barko at maaari tayong lumubog!! " sigaw ng kasamahan niya na narinig naman nilang lahat at ikinalaki ng mata.

" kumuha kayong lahat ng life jacket at inflatable boats! Bilisan niyo! Dalhin niyo ang mga importanteng gamit na kailangan! " pagkatapos niyang sabihin iyon ay dymiretso na ito paalis.

" Everyone! Remember huwag magpapanic! Be calm but your movements make it faster!! " sabi ng guro kaya kanya kanya ng lumabas ang lahat ng students dala dala ang mga gamit nila. Yung iba bumalik sa kuwarto nila para ilagay yung mga damit na inilagay nila sa close set. Pero hindi na nila dinala lahat dahil sa pagkanerbyos sa nangyayari.

" bff! bilis dito! " sigaw ni Emicka kay Christle. Yung shoulder bag lang ang dala ni Emicka, naglagay din siya ng kaunting damit doon. Hindi na niya dinala yung maleta dahil alam niyang magiging sagabal lang yon. Si Christle naman dala yung dalawa niyang bag dahil hindi naman yon kalakihan at madali lang dalhin. Nagsilabasan sila sa barko at nakita nila ang lagay ng karagatan.

" OH MY GOD!! "

" papalapit na yung malaking alon dito!! "

Sari saring pangungusap ang maririnig sa paligid at halos lahat sila ay basa na. Yung barko ay tinatangay ng malakas na hangin at tumatabingi na ito.

" kumapit kayo ng mahigpit sa pwedeng kapitan!! " sigaw ng staff ng barko kaya ganon ang ginawa ng iba.

" aahhhhh!!!! "

sigaw nilang lahat ng tumama ang malakas na alon sa kanila. Lahat sila ay humigpit ang hawak sa kung saan sila nakakapit para hindi matangay pero yung iba ay hindi kinaya ang lakas nito at napabitiw

" hhheeelllpppp!!! " sigaw ng isang babae na malapit ng malaglag. Narinig ito ni Christle dahil malapit siya doon kaya kahit natatakot ay lumapit siya doon sa babae

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon