Chapter 30 : Nullify

4.3K 185 5
                                                  

Chapter 30 : Nullify

Dalawang araw ang lumipas ng magising si Christle sa pagkakatulog. Bumalik na din siya sa dati niyang kwarto kung saan nakaayos ang kanyang mga damit. Alam niyang maraming gustong itanong ang mga kaibigan niya sa kanya pero hindi lang sila nagsasalita. Siguro hinihintay nila na si Christle ang kusang magpaliwanag sa mga nangyari. Wala namang balak ang dalaga na ikwento ang buong detalye sa kanyang mga kaibigan o kahit kanino dahil hindi niya gusto ang magsalita ng magsalita. Ayaw niya ding mag-alala ang mga kaibigan niya.

Iniisip ng dalaga kung anong nangyari pagkatapos niyang malaglag. Basta ang huling natatandaan niya ay may nakita siyang nakakasilaw na liwanag. Pagkatapos non ay nagising na lang siya na nasa infirmary. Hindi niya ding maitatanggi na nag-aalala parin siya kina Tal-ri at sa iba pang mga dragon.

Ano na kayang nangyari? Sana nasa mabuting kalagayan sila, sa isip isip ng dalaga...

CHRISTLE POV

Sa loob ng dalawang araw ay nakahiga lang ako kaya naman parang gusto kong maglakad muna. Nakakangalay din pala ang matulog ng matagal.

Nagpalit ako ng damit at saka lumabas ng silid. Ang sabi sakin ng mga kaibigan ko ay magpahinga muna ako pero nakakabagot ng walang ginagawa. Dalawang araw din akong natutulog kaya sobra sobra na ang pahinga.

Grroowwwll...

Nagugutom na ko! Saan nga ba ang kainan dito? Matagal ba kong nawala dito kaya hindi ko na alam ang direksyon? Sabagay, ilang araw lang din naman ako dati dito bago ako bumalik sa mundo ng mga normal.

Walang tao sa bawat hallway na madaanan ko. Nagsisimula na kasi ang klase. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap hanggang sa may makita akong bukas na pinto. Pumasok ako don at nakita ko ang kainan. Agad akong naupo at isinulat ang gusto kong kainin. Namamangha pa rin talaga ako sa kainan dito. Hindi ito katulad sa mundo ng mga normal na.maghihintay ka pa na dalhin sa iyo yung inorder mo. Dito pagkasulat mo lang ay lalabas na ang gusto mong pagkain. Sinimulan ko nang kainin ang pagkain ko. Inilibot ko ang tingin sa buong silid at sobrang lawak nito. Walang tao kung hindi ako. Minadali ko na ang pagkain dahil hindi ko gusto yung pakiramdam na kumakain ako mag-isa sa isang malawak na lugar.

Ano bang pwede kong gawin pagkatapos kong kumain? Nakakabagot ang walang ginagawa. Kung libutin ko kaya ang buong lugar na ito. Gusto ko rin makita ang elementary at college department. Pero pwede kayang pumunta doon...?

Kung pumunta na lang ako sa training room kung saan nagsasanay ngayon ang isang klase. Hindi ko alam kung klase yon nila Hara pero gusto kong makapanood.

Ah! Meron din palang bulletin board dito.. Ano kaya itong nakapaskil?

LEVEL TEST?! Magaganap sa ikaapat na linggo. Edi kung bibilangin ko may tatlong linggo pa bago ang ranking test na ito. Ano nga ba ang level test? Teka... hmm... lahat ng estudyante ay dapat na nandoroon. Lahat?! Edi kasama ako! Ehhh...?! Hindi ako marunong gumamit ng arcana.

Tama! Pwede naman akong mag-ensayo ang kaso lang, hindi ko alam kung ano ang arcana ko. Mukhang malaking problema ito ah... pero bago yon manonood muna ako...

Saan nga ba ang training room? Naglakad lakad pa ako hanggang sa may marinig ako na mga boses sa isang nakauwang na pinto. Sumilip ako doon at nakita ko ang mga estudyante na gumagamit ng kanilang arcana. May iba iba silang ginagawa. Inilibot ko ang tingin ko sa loob. Sobrang lawak pala nito. Narinig kong nagsalita ang guro kaya nakinig ako, baka kasi may matutunan ako.

" upang magawa niyo na mapalabas ang inyong enerhiya ay kailangan niyo lang ng konsentrasyon. Damhin niyo ang inyong kapangyarihan na bumabalot sa inyo. Isipin niyo na iisa kayo at dahan dahan niyong ipalabas ang inyong enerhiya "

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon