Chapter 36 : Mission

4.3K 181 3
                                                  

Chapter 36 : Mission

Maayos kaming nakabalik sa academy. Matapos kasi maglaho ng lalaking yon ay nawala rin yung mga kalaban. Ang creepy nga eh. Bakit kaya ganon makatingin sakin yon? Parang kinikilala niya ko o kung ano... ewan! Maayos naman ang kalagayan ng mga nakatira doon. Sa kasamaang palad, may mga namatay pero marami naman ang nakaligtas. Inaayos na din yung mga nasirang tirahan at daan. Ang bilis nga ng proseso dito pero kung sa mundo ng mga mortal, inaabot ng ilang buwan o taon bago maayos ang lugar. Nakakabilib talaga.

Sila Hara at Reya, pumunta sa kwarto nila dahil napagod daw sila. Si Eleora naman at Brice ay nasa cafeteria. Nagutom kasi sila. Ako naman, nag-eenjoy sa paglipad gamit itong broomstick na nabili ko. Ngayon ko lang kasi naramdaman kung gaano kasaya ang lumipad gamit ito. Hindi ko kasi na-feel nung unang gamit ko nito. Hindi naman bawal gumamit ng broomstick dito eh. Ang bawal lang naman dito ay yung gamitin mo ang arcana mo para makapanakit ng iba. Hm.. nasa taas ako ng building kaya tanaw na tanaw ko ang nasa ibaba. Ang ganda naman! Parang kumikinang ang bawat paligid.

Ah.. gusto ko itong makuhanan kaya lang hindi ko naman dala yung cellphone ko. Ah! Yung book of spells. Siguro naman merong magic na pwedeng magpalabas ng camera. Dinukot ko yung libro sa magic bag... nasaan na ba yon? E-eto... t-teka!

Wwaahh!! Yung libro nalaglag ko. Agad kong kinuha si Broost at mabilis na sinalo ang libro.

" phew! "

Napalingon ako sa baba. Sakto ang pagkakasalo ko. Kung hindi, nahulugan yung dumaan. Hm? May naririnig akong nag-uusap. Napalingon ako sa likod ko at nakita sa loob ang limang taong nag-uusap. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. At dahil gusto kong malaman kung ano yon ay nagtago ako sa pader dahil malaking salamin lang ang harang nito sa harap.

" Importante ang ipapagawa ko sa inyong apat kaya naman mag-ingat kayo. Ngayon, ang ipapagawa ko sa inyo ay... pumunta kayo sa Mundo ng Rivampi. "

" Mundo ng Rivampi? Yung lugar kung saan matatagpuan ang mga vampires? "

" Tama, pero hindi lang sila ang mga nakatira doon. Meron pang malalakas at mababangis na nakatira doon. Ang balita namin ay sumusugod doon ang mga dark allies at kung hindi ako nagkakamali, hinahanap nila ang pulang perlas kaya naman kailangan niyo silang unahan at mahanap agad ito. "

Pulang perlas? Ano namang gagawin nila sa pulang perlas?

" Ang tinutukoy mo ba ang pulang perlas na kailangan upang mabuhay muli ang kanilang panginoon? "

" Oo, iyon nga. Hindi ko alam kung nandodoon nga ang pulang perlas o... gusto lang nilang paslangin ang lahat ng nakatira doon at kung iyon nga ang rason, kailangan niyo silang tulungan. "

" Pa-paslangin?! " napatakip agad ako ng bibig. Patay! Narinig ba nila ako?!

" Sinong nandiyan?! "

Waah! Anong gagawin ko?!

" Lumabas ka na lang, binibini. " mahinahon ang pagkakasalita ng isa...

Nahihiyang lumabas ako sa pinagtataguan ko. Lahat sila nakatingin sakin at naiilang ako. Nakita kong pumitik yung lalaki at wala pang segundo, nasa loob na ako ng kuwarto. P-papanong?! Kanina lang nasa labas ako..?!

" Huwag ka nang magtaka binibini, dahil ako ang may gawa non. " sabi ng isang middle age na lalaki. Gwapo! Siguro mga 25 o 26 lang siya.

Teka! Mind reader ba ito?! Paano niya nalaman! Hindi ko naman sinabi eh.. gamitan ko rin kaya ng mind reader ability 'to... teka! Paano nga ba gamitin yon? May ganon ba akong kapangyarihan?

" pfft... nakakatawa ka din pala kahit na mukhang seryoso ka. Oo, may kapangyarihan akong makabasa ng isip. "

Utang na labas! Edi nabasa niya iniisip ko! Nakakahiya! Nakita ko ang pagngiti niya...

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon