Chapter 31 : Illusion Room

4.1K 188 1
                                                  

Chapter 31 : Illusion Room

" Christle!! Nandito kami para sunduin ka! "

Napalingon naman agad si Christle sa pinto niya. Boses yon ng mga kaibigan ko. Agad siyang lumapit sa pinto at binuksan ito. Tumambad naman sa kanya yung mga kaibigan niyang nakangiti.

" Magandang umaga!! " bati nila

" Magandang umaga rin "

" Nandito kami para sunduin ka. Gusto kasi naming sabay sabay tayo pumasok! " Zahara

" Masaya rin kami dahil dito ka na ulit mag-aaral! " Eleora

" Nako girl! Mas lalo ka yatang gumaganda! Anong ginagamit mo at ng mas lalong umangat ang beauty ko sayo?! " Brice

" Christle, masaya akong bumalik ka " Reya

" at dahil dyan... tara na sa kainan!!! " Eleora

Pumunta sila sa kainan kung saan galing si Christle kahapon. Ngayon ay punong puno ng estudyante ang kainan at sobrang ingay rin. Humanap sila ng bakanteng lamesa at doon naupo. Isinulat din naman agad nila ang gusto nilang agahan.

" Christle, alam mo ba yung umalis ka ay nalungkot talaga kami. Akala namin hindi ka na babalik.. " Hara

" I'm sorry... "

" Ayos lang! Nandito ka na din naman eh! " hara

" oo nga at masaya kami dahil ligtas ka " Reya

" Girl! Gusto ko talagang itanong ito eh. Ano bang nangyari sayo? Ang unang kita namin sayo ay duguan ka at napapalibutan ka ng liwanag. Ipaliwanag mo nga! Kalerki! " Brice

Napakunot naman ako sa sinabi ni Brice. Ano bang pinagsasabi niya? Alam ko kung bakit ako duguan pero yung liwanag na sinasabi niya ay hindi ko alam.

" Oo nga, Christle. Gusto ko din yang itanong sayo. Bakit duguan ka non? " Hara

" Saka ano yung pulang bilog na may mga lengguwahe? Iyon ba ang arcana mo? " Eleora

" Wala ka ring malay kaya paano mo nagamit ang arcana mo? Teka! Alam mo na ba ang arcana mo? " Reya

" Hindi pa "

" Pero malapit na ang Level Test! Kailangan mong malaman ang arcana mo at tutulungan ka namin sa pag-eensayo " Hara

" Paano na yan...? Pag hindi mo alam ang arcana mo ay hindi aangat ang Level mo.. " Reya

Tama sila. Pero may alam na akong kapangyarihan kaya pwede na siguro yon. Kahit maka level 1 lang... ano na bang level nila?

" anong level niyo na ba? " tanong ko..

" ako level 38 " Hara

" level 35 " Reya

" level 34 " Eleora

" si ako ay level 36 " Brice

" ang tataas niyo na " komento ko

Ngumiti naman ang mga kaibigan niya at sabay sabing...

" mababa pa yon! "

Sabay sabay din silang tumawa. Hindi naman ako makasunod sa pinag-uusapan nila. Anong mababa doon? Kumpara naman sa lebel kong 0 mas matataas ang sa kanila...

" Taralets na mga babae! Papasok na tayo! " Hara

Nagsimula na din naman kaming maglakad papunta sa unang klase namin. Teka. Gusto kong itanong yung cafeteria na nakita ko. Yung unang beses ko kasi na paglilibot dito ay nakita ko yon. Ang ganda nga dahil gawa sa ice yung upuan at lamesa. May harang din yon na glass at malawak.

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon