Chapter 47 : Flashback

7.3K 322 160
                                    

Chapter 47 : Flashbacks

Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa bawat araw na lumipas ay abalang abala sa pag-eensayo ang mga high school students ng Arcana Academy.

Dumating na rin ang araw na pinakahihintay nila. Ang araw na magaganap ang physical test. Nakahanda na rin ang lugar na paglalabanan.

Tahimik namang kumakain ng breakfast ang mga estudyante. Magkakasama sila Christle at ang mga kaibigan niya na kumakain sa iisang lamesa.

" Pagkatapos nating kumain ay papapuntahin na tayo sa stadium di ba? " tanong ni Riya.

" Oo. Kinakabahan nga ko eh. " sabi ni Eleora. Tahimik naman na kumakain si Christle.

" No ka ba gurl! Di nga ako kinakabahan eh. " sabi ni Brice. Tinapunan naman ni Eleora si Brice ng fries.

" Ikaw yon! " sabi ni Eleora sabay kain sa fries.

" Gurl! Sayang yung fries! Dami daming nagugutom eh. (๑و•̀ω•́) " sabay subo sa kinakain na fries.

" Basta ako, hindi ko naman iniisip na mananalo ako. Ang gusto ko lang ay yung malaman kung ano ang mapapanalunan. Yung premyo guys! " sabi ni Zahara. Yon lang naman kasi ang iniisip niya.

" Oo nga no. Ano kaya yung premyo? " tanong ni Riya.

" Baka tatanungin ka kung ano yung gusto mo tapos sasabihin ko isang fafah... ≧ω≦"

" Nangangarap ka pa ng gising eh. " Eleora.

" Ano nga kaya yon? " nagtatakang tanong rin ni Christle.

" Hoy babae! Parang hindi ka kinakabahan ah! " sita ni Eleora.

" Hindi nga. " sabi naman ni Christle. Sino ba namang kakabahan kung yung kaba mo naubos na nung araw na yon.

Mas kakabahan ako kunh si Nrel ang makakalaban ko.

Bigla niya tuloy naalala ang nangyari bago ang Physical test day.

Flashbacks

Araw araw siyang tinuturuan ni Nrel. Naranasan niya rin ang pakiramdam na parang may mabigat na nakapatong sa katawan mo para bumagal ang galaw mo pero kay Nrel parang wala lang ito at normal na nakakagalaw sa lugar na pinagpa-practice-san nila. 

" Hindi ko pa pala nasasabi sayo kung anong tawag sa lugar na ito. Ang pangalan pala ng silid na ito ay Training Dimension. " nakangiting sabi niya kay Christle.

Training Dimension?

" Ang silid na ito ay para talaga sa pag-eensayo. Kakaiba ito sa tinatawag na Training Room. Kaya nitong ibalik sa dati ang nasira mo katulad ng nakita mo nong nakaraan. Kaya rin baguhin nito ang lugar na naaayon sa gusto mo. Katulad nito. " pumitik siya at biglang nabago ang paligid. Nasa isang gubat sila.

" Lahat ng nakikita mo ay totoo pero hindi tayo umalis. Nandito parin tayo sa silid na to. Kaya nitong ibahin ang lugar kaya naman makakapag-ensayo ka sa lugar na gusto mo. Mararamdaman mo rin ang sakit kapag nasugatan ka pero kapag bumalik na itong silid sa totoo nitong anyo... " pumitik siya at bumalik sa dati ang paligid.

" ...mawawala ang sakit at wala ring sugat. Meron pa itong magandang bagay. Kaya nitong pabigatin ang katawan mo. Pwede itong i-adjust sa kaya ng katawan mo pero kung gusto mong lumakas pwede mo ring itaas. " pagpapaliwanag niya.

" Ngayong napaliwanag ko na sayo. Bi igyan kita ng ilang araw para magpalakas. Gamitin mo ang pampabigat ng katawan. Kailangan mo lang isipin kung ilang level ang kaya mo. Iisipin mo lang din ang lugar na gusto mo. Yon lang. Aalis muna ko. ^_^ " kumaway si Nrel bago umalis. Naiwan naman si Christle  na nagpa-practice.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon