Chapter 7: Arcana Academy

10.6K 351 12
                                                  

Chapter 7: Arcana Academy

 Nandito na ako ngayon sa room ko naka- upo habang binabasa yung schedule ko sa pagpasok sa Academy na ito. Libre din at walang tuition kaya maganda dahil wala akong poproblemahin sa pagpasok ko dito. Inayos ko muna yung gamit ko saka ako pumunta sa banyo. Alam niyo ba yung silid na hinigaan ko nung nagising ako kahapon? Yun pala yung silid ko at puro violet, purple, white ang kulay mga paborito ko. 

Grabe! O.O ang laki ng cr ko. May bathtub, meron ding shower na hot or cooler, may closet na maliit para sa mga perfume, toothbrush, toothpaste, air freshner, at kung ano ano pa. Yung isa naman ay lagayan ng tuwalya saka closet na din para sa iba mo pang damit at mga bathrobe.

Pumunta ako doon sa bathtub at nagbabad ng ilang minuto saka tumayo at maligo na talaga ako. Pagkatapos ay lumabas na ako sa banyo at dumiretso sa isa pang closet dito kung saan nakalagay yung uniform ko. Kinuha ko na ito at pinagmasdan. 

Blouse siya na color white, may coat na long sleeves color black tapos yung line color red nasa left chest yung logo ng school saka may red na ribbon. Yung skirt naman ay half legs yung haba color black na may outlining na red and white. Yung medyas hanggang ibaba ng knee yung haba at nandoon yung acronym ng academy na A. A. and last black shoes. Isinuot ko na saka ako nagsuklay ng buhok ko. Kumuha lang ako ng hair pin saka ko inipit yung buhok ko sa unahan at yung iba bagsak na.

Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas ng ako ng room ko. Ano kaya ang kalalabasan ng first day ko? Sana naman walang mangyaring hindi maganda. Ang sabi nila sakin dito na daw ako mag-aaral kung -- hindi nila tinuloy yung next na sasabihin at ang sabi nila ay dadaan din ako sa isang test.. ang gulo nila kausap. Umalis na ako saka sinundan yung map na binigay sakin baka kasi maligaw na naman ako nito dahil sa sobrang lawak ng school na ito. Wala namang kakaiba sa academy na ito normal lang.

Grabe ang ingay sa bawat paligid na madaanan ko at pansin ko lang bakit sila tingin ng tingin sakin? May dumi kaya ako sa mukha? Teka...! Wala akong salamin sa mukha ! yung eye glasses ko pero nawala na yung salamin ko sa mata nung nahulog ako sa dagat

Sigh* 

Hindi ako sanay na walang salamin sa mukha pero ngayong wala na akong magamit kailangan ko na sigurong masanay. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko pero may humarang sakin. Nakayuko kasi ako kaya kita ko yung dalawang pares ng paa ng tao, napatingala tuloy ako ng wala sa oras. Nakita ko ang dalawang lalaki na nakangiti sa akin...? 

ano kayang kailangan nila?

" Hello sa iyo magandang binibini nais ko lamang malaman ang iyong pangalan?" sabi sakin ng lalaking mas matangkad sa kasama niya at may itsura sila pareho

Tiningnan ko lang sila -_- ng naka poker face wala ganyan talaga ako sa mga taong hindi ko kilala, snob ako o kaya hindi ko sila sasagutin or papansinin kaya naglakad na ulit ako pero may humawak sa kamay ko

" binibini wag mo muna kami talikuran :) nais lang namin malaman ang iyong pangalan.." mabait naman na sabi ng isa sa akin sabay ngiti geez... ang kulit ng dalawang ito

"oo nga, magandang binibini :) " sabi naman ng isa tapos lumapit sila saakin ng kaunti. 

Pansin ko lang .. bakit ang lalalim nila magsalita? hindi ba uso dito yung modernong salita katulad ng english, korean, japanese, spanish chos... Katulad kanina hindi parin ako nagsasalita bakit ba? di ko naman sila kilala ah saka close ba kami teka napatingin ako doon sa kamay niyang nakahawak sa wrist ko at mukhang napansin niya naman kaya bumitiw siya agad

" patawad.. bakit ayaw mong magsalita? alam mo ba na lahat ata ng lalaki dito at nais malaman ang iyong pangalan?" sabi niya uli kaya naman napatingin ako sa paligid at karamihan ng lalaki nakatingin sakin at yung iba lumalapit pa. Ano bang nangyayari? Napadako ang tingin ko sa mga babae na naka- glare sakin gosshh katakot. Bumalik uli ang tingin ko don sa dalawang lalaki at halatang naghihintay.. Ano pa nga ba..

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon