Chapter 11: My World

8.3K 269 11
                                                  

Chapter 11 : My World

Christle POV

rrrriiinnnggg!!!!

"wwwaaahhh!!!! " napasigaw ako ng may biglang nagring ng malakas kaya napabangon agad ako sa higaan ko... pinatay ko muna yung alarm clock. Teka lang! Inikot ko yung mata ko sa buong paligid at hindi nga ako nagkamali..

Kwarto ko toh ahh!!

tama! Kuwarto ko toh o mas tamang sabihin na ito yung apartment na tinitirhan ko. Nasa... nasa...

NASA MUNDO NA AKO NG MGA NORMAL !

Yippee! wala na yung mga panganib.. wala na yung mga magic magic churlalo.. wala na yung mga Dark Allie na kalaban sa mundo ng Arcananians pero wala naman, at hindi ko naman kasama ang mga bago kong kaibigan. I miss them all right now. Ano kaya yung naging reaksyon nila nung nabasa nila yung sulat ko? Sana hindi sila magalit sa akin at mapatawad nila ako sa naging desisyon ko.

Namiss ko din ang mundo ko kahit tatlong araw na ako doon sa mundong iyon. Kaya naman agad akong nagbihis at nag- ayos ng sarili saka ako lumabas upang masilayan uli yung mga tanawin dito sa mundo ko. Kailangan ko din palang mag- enroll pero may 3 months pa naman kaya susulitin ko na muna ang bakasyon at kailangan ko din kumayod para may pang- gastos ako at saka ilang araw na lang at sisingilin na naman ako ni landlord bachoy sa renta ng bahay tsk.

Naglakad lakad na ako dito sa lugar at ganon parin naman wala naman nagbago pero may naalala ako.

Si Lyla....

Alam na kaya ng mga magulang niya na wala na si Lyla ? Natatakot akong sabihin sa kanila ang nangyari dahil baka magalit lang sila at isisi sakin ang nangyari. Ayokong isumbat nila sa akin na bakit hindi ko man lang tinulungan yung anak nila ?! Dahil kung yan ang isisisi nila talagang tatanggapin ko dahil totoo naman ehh... wala akong nagawa that time.. I was just stood there and watched her while burning in fire.

Kung sasabihin ko ba ang totoong nangyari ay maniniwala sila sakin na namatay ang anak nila dahil sa dalawang nilalang na may lumalabas na itim na apoy sa kamay nila at sinunog ang anak nila kaya ito namatay. Iniisip ko pa lang na humarap sa kanila at sabihin ang totoo ay alam kong hindi nila ako paniniwalaan saka baka sabihin pa nila na nababaliw na ako o kaya gutom lang ako kaya kung ano ano ang nakikita ko at naiisip. Kung sabagay, sino nga namang tao ang maniniwala na totoo ang sinasabi ko. Imposibleng mangyari ang mga ganong bagay para sa mundong ito pero para sakin naniniwala na ako sa mga kakaibang nilalang na namumuhay sa mundong ito dahil sa napuntahan kong lugar at sa mga nasaksihan ko na nangyari doon.

Hindi ko na alam kung paano ko sasabihin dahil ayaw ko naman na mag mukhang tanga ang magulang ng mahalaga kong kaibigan sa kakahanap sa anak nila na kahit ano pang gawin nila ay hindi na nila makikita pa. Nalulungkot ako dahil ang kaisa- isa kong kaibigan ay hindi ko na makakasama pa.

Napansin kong napadaan ako sa dati kong school napahinto ako at pinagmasdan ito. Medyo nagbago ng kaunti kasi naging bago na yung pintura at nagmukhang bago, yung mga halaman naman mas lumago pa. Private din kasi itong school na pinapasukan ko pero scholar naman ako kaya wala akong ganong binabayaran.

Naalala ko tuloy yung mga memories namin dito ni Lyla tapos yung mga nangyari sakin sa kanya. Sa school na ito ay madami kaming memories at hindi ko iyon makakalimutan.Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad pero napatigil ako dahil may tumawag sakin.

" Ms. President Christle!!!! "

Napalingon naman ako agad at nakita ang isa kong kaklase nung fourth year ako si Grexia, ka- close din namin ni Lyla pero hindi namin siya laging kasama. Tumakbo siya papunta sakin kaya ayan hiningal ng kaunti. Tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita.

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon