Chapter 12 : Back to Normal Life

8.3K 261 5
                                    

Chapter 12: Back to Normal Life

Christle POV

Peep! Peep! 

Napabalikwas ako ng bangon ng may bumusina. Agad akong napatayo at sumilip sa bintana ... Sino ba ito? ang ingay naman eh natutulog yung tao -_-

Si Emicka! O.O

Shemay anong oras na ba? 7:30 am ang aga pa ahh pero one hour ako kumilos pag pumapasok ako sa school ehh 8:30 am ang pasok namin... 

" BFF ! Christle here na me yooohhooo.... " pasigaw na sabi niya Pumunta kaagad ako sa pinto at pinapasok siya nako wala na nga akong tingin tingin sa salamin ehh. Pero hindi naman ako tulo laway kapag natutulog , morning glory nga lang

" hahaha XD bagong gising ka palang BFF ! Ang aga ko pala! Imperness ang ganda mo pala BFF mas maganda ka pa sakin. Huwag ka na lang magsalamin sayang beauty " siya ppsst.. parang si Lyla lang ang  aga din ako sunduin dito sa bahay at ganon din ang tawag niya sakin BFF din...

" ligo muna ko " paalam ko alangan bastusan na iwan ko lang siya/.. nambola pa ang loka loka

" geh take your time hoho masira nga yung salamin hihi " may sinasabi pa na kung anu- ano 

" subukan mo " sabi ko sabay tingin ng masama sa kanya siya naman nag peace sign lang. Di ko na siya pinansin at diretso na ko cr saka mabilis na naligo. Nagbihis na din ako ng uniform  tapos nag- ayos na ako ng sarili. Tinali ko ng pigtail yung buhok ko tapos medyo inayos yung bangs saka inilagay yung eye glasses ko. Kinuha ko na yung gamit ko saka lumabas ng kuwarto. Hindi na ako kakain doon na lang sa school.. Back to Normal Life na ako

" ang tagal mo naman ~,~ " nakabusangot na sabi niya haha 

" bakit anong oras na ba? " tanong ko

" 8:20 na po baka gusto mo na umalis na tayo " sabi niya saka tumayo na sa pagkaka- upo

" oo na ito na " sumunod na ako sa kanya saka umalis na kami papunta sa bago naming school.. here comes the new life I hope peaceful ang maging buhay ko sa school na ito.

Hindi naman kalayuan yung school kaya mga 5 minutes lang ang biyahe namin.. biyahe talaga

" Bilisan natin BFF mala- late na tayo sa class natin. " sabi niya saka mabilis na lumabas ng kotse kaya sumunod naman ako sa kanya. Alam niyo ba ang ginawa namin.. malaki kasi itong school at sa third floor pa yung classroom namin kaya kung babagalan namin ang paglalakad tiyak na malalate kami sa first class.. ehh first day pa man din ayokong magka record agad noh. Mahirap na scholar pa man din ako.

" bilis takbo !! " agad kaming tumakbo papunta saroom namin. Remember nilibot namin itong school kaya alam na namin kung saan at may photographic memory ako kaya kabisado ko.

Pagkarating namin ay tumingin siya sa orasan at saktong 8: 30 am na kaya naman agad naming binuksan yung pinto 

" naka ..ha.. kapa ... ha.. god ! " sabi niya maski ako ay di makapagsalita dahil kinakapos din ako ng hininga. Pagka- angat namin ng mga ulo ay lahat sila naka tingin sa amin. Nagkatinginan tuloy kami ni Emicka at saka kami tuloy tuloy sa likod at umupo agad. Hindi namin pinansin yung mga nakakunot na tingin ng mga istudyante.

" Goodmorning class! " bati ng prof namin.. nagkatinginan uli kami ni Emicka saka sabay na sinabi

" that was too close " haha napatawa na lang ako sa isip ko

" Everyone, since its the first day we will just introduce yourselves to everyone but first of all My name is Mr. Ranie Gallo your adviser for this year. Now please let's start at the back"

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon