Chapter 44 : Training

4K 187 6
                                              

Chapter 44 : Training

Nang makabalik ako non sa kwarto ko ay inisip ko yung mga sinabi at ipinayo sakin ni Nrel. Nag-eensayo rin ako dito sa loob ng kwarto ko.

Kung titingnan, akala mo madali pang i-swing ang isang espada pero kung ako na mismo ang gagawa ang hirap pala. Akala ko kasi nung una, madali lang naman ang humawak ng espada dahil ang gagawin mo lang naman ay isi-swing yung espada sa kalaban mo. Hindi ko akalain na marami palang kailangan para magawa mo yon ng maayos.

Unang una pala don ay kailangan ko ng lakas para mabuhat at maihampas ang espada. Hindi ko naman akalain na mabigat pala ang espada.

Kung papahawakin ako ng sandata ay mas pipiliin ko ang kutsilyo para maghiwa ng putahe ng isang pagkain kaysa ang gumamit ng mga sandatang alam ko na makakasakit ako ng iba.

Napaisip rin ako sa sinabi ni Nrel sakin tungkol sa bagay na yon. Ang Physical Contest. Hindi ko pa alam ang tungkol sa bagay na yon pero kakatapos lang sabihin sa amin ang tungkol s bagay na yon. Ipinaliwanag din samin ito kaya naman alam na namin ang nga dapat gawin at iensayo namin.

Ang sabi, ang Physical Contest daw ay labanan ng pisikalan. Maaaring gumamit ng sandatang nais kung gugustuhin. At kagaya nga ng sabi ni Nrel ay magaganap ang labanan na ito sa ikatatlo ng linggo. Malapit na yon kaya naman nag-eensayo na ang karamihan. Merong hindi gusto ang mangyayari meron namang excited na dahil sa matatanggap na premyo. Hindi nga sinabi kung ano yon pero mukhang natutuwa ang iba.

Mahihirapan nga ang iba dahil hindi naman sila sanay makipaglaban ng hindi ginagamit ang arcana nila. Karamihan kasi dito, lalo na sa may mga arcana, hindi na nila hinahasa ang sarili nila sa paggamit ng sandata dahil kampante silang makakaya nila hangga't meron silang taglay na arcana. Doon mo lang naman malalaman kung malakas ka talaga kapag hindi mo ginagamit ang arcana mo. Kaya siguro nagkaroon ng gantong paglalaban.

Maski ako ay pinoproblema ang tungkol sa bagay na yan pero tutulungan naman ako ni Nrel na matuto. Sa magaganap din kasing labanan ay mas maganda kung may sandata ka dahil maaari mong i-transfer ang lakas mo sa sandatang hawak mo. Bawal kasi gamitin ang arcana sa laban. Mas mabuti din kung marunong ang iba na mag-martial arts kasi mas may advantage sila pero sa kalagayan ko ngayon wala akong laban. (。ŏ_ŏ) Mukhang mahihirapan ako pero hindi ko naman kailangang manalo eh. Para kasi sa mga high school ang contest na to'.

" Christle, mag-eensayo ka ba ngayon? " tanong sakin ni Zahara kaya tumango ako.

" Mag-eensayo rin ako mag-isa. Mas gusto ko kasi yung ganon. " nakangiting sabi ni Zahara.

" Anong pinag-uusapan niyo dyan? Tungkol ba yan sa labanan na magaganap? "●︿● tanong ni Brice.

" Oo, yon nga. " sagot naman ni Zahara. Napatingin tuloy yung dalawa pa. Si Riya at Eleora

" Sinong gustong maka-ensayo ko? " tanong ni Brice.

" Ako. Para naman masubukan ko yung kakayahan ko sayo. :-) " sabi naman ni Riya.

" Gurl, gusto ko yan. Sige sige. Mamaya tayo mag-eensayo.^o^ "

" Ikaw, Eleora? " tanong ni Zahara

" Mag-eensayo ako mag-isa. " sagot niya naman kaya tumango na lang si Zahara

" Gurls! Mukhang hindi tayo magkikita lagi lagi! " sabi ni Brice. Oo nga. Binigyan kasi kami ng panahon para mag-ensayo kaya pansamantalang nahinto ang pag-aaral namin. Mabuti nga ring balita sa mga professor namin yon dahil makakapahinga sila pero ang sabi, kung kailangan ng tulong o gustong magtanong lumapit lang sa mga guro namin.

" Aalis na ako! " paalam ni Zahara kaya sunod sunod nadin kaming nagsialisan.

Pumunta ako doon sa lugar kung saan ko unang nakita si Nrel. Pagkarating ko don ay napatingin ako sa paligid at katulad ng nakaraan ay lumabas na naman siya mula sa sarili niyang lugar na tinatawag niyang Dead Place. Baka gusto niya lang laging nag-iisa kaya gumawa siya ng sarili niyang mundo.

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon