Chapter 1:Her Life

44.7K 720 34
                                              

Mahimbing na natutulog ang isang batang babae sa kanyang higaan ng magising ito dahil sa nararamdaman niyang sakit sa kanyang loob ng katawan. Noong una ang sumakit sa kanya ay ang kanyang tiyan na hindi niya malaman kung pinasukan siya ng hangin...

(^3^ de joke lang ano yon yung hangin pumapasok)

Noong una inisip niya na baka tinatawag lang siya ni kalikasan pero hindi ehh... pakiramdam niya kasi tinatanggal yung mga lamang loob niya kaya namilipit siya.

Maya maya yung ulo naman niya ang sumakit at namanhid yung iba pang parte ng katawan niya. hindi niya napigilan ang mapasigaw ng malakas sa kanyang nararamdaman

"aaaahhhhh!!!" sigaw niya, tulog na ang kanyang mga magulang dahil gabi na, pero baka magising niya ang mga ito kaya pinilit niyang huwag mag-ingay ngunit wala siyang nagawa dahil para siyang tinutusok ng madaming karayom

Napahiyaw ulit siya....

"aaaahhhh!!!! aanngg ssaakkiitt!!!" hindi na niya kaya pa kaya naman nawawalan na siya ng ulirat

ngunit bago iyon...

Nakita niya na may sumiklab na apoy at kumakalat na ito sa kanilang bahay, kumidlat din ng malakas kasabay ang malakas na buhos ng ulan.

*** blackout***

-----------------------*****************-----------------------

Nagising siya sa mahimbing na pagkakatulog ngunit hindi ito ang kanyang kama kundi isang semento na kalsada ang kanyang kinahihigaan at nababasa na din siya ng ulan, mahina na ang ulan dahil ambon na lamang ang pumapatakgaling sa kalangitan.

Pagkamulat pa lamang ng kanyang mata ay tiningnan niya kaagad ang kanyang paligid at napahinto ang kanyang dalawang mata sa nasusunog nilang bahay , kanina pa nilalamon ng apoy ang kanilang tirahan ng hindi niya namamalayan dahil siya ay tulog. Dali daling pumasok sa kanyang isipan ang kanyang magulang kaya agad siyang tumayo at medyo lumapit sa nasusunog nilang bahay...

Nakatawag na din ng bombero ang kanilang mga kapit- bahay na ngayo'y siya'y sinusuway at pinagsasabihan na lumayo sa kanilang nasusunog na tirahan ngunit wari'y walang naririnig ang batang babae at tanging nasa isip niya lamang ang kalagayan ng kanyang magulang.

" mama!!! Papa!!!Nasaan po kayo?!!" sigaw niya habang pilit na pinipigilan ang pagbagsak ng kanyang mga luha ngunit hindi niya ito napigilan dahil kusa na lamang dumaloy ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi na kanina'y pinipigilan niya pang ilabas.

Kanina iniisip niya na buhay pa ang kanyang magulang ngunit parang ngayon ehh nawawalan na siya ng pagasa ngunit

Hindi! sabi niya sa kanyang sarili ' hindi dapat ako mawalan ng pag-asa!' ayaw niyang mag-isip ng masama pero....

Tuloy tuloy lang sa pagdaloy ang luha niya. Hindi nga rin niya alam at naisip kung paano siya nakaligtas doon at napunta sa kalsada ng ligtas samantalang ang kanyang magulang ay hindi niya makita sa kanyang paggising. Sinubukan niyang pumasok doon sa bahay nilang nasusunog ngunit parang sinasadya talaga ng tadhana o nakatakda na talagang mangyari ang mga bagay na ito sa kanyang buhay. Ayaw siyang papasukin ng kaniyang mga kapitbahay dahil sa mga naglalaglagang mga gamit at kahoy.

Narinig pa nga niya na may sumigaw na lumayo na siya doon dahil delikado at hintayin na lang niya ang mga bombero para maapula ang apoy pero di niya pinansin.

***Magical World*** (Slow Update^__^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon