Chapter 30 : Nullify

Start from the beginning
                                        

Agad naman akong napamulat at tumingin sa paligid.

" S-sino yan?! "

May mga nagsasalita pero pakiramdam ko ay nasa isip ko lang sila.

< Gawin mo na, Master >

< Gawin mo yung sinabi namin sayo at susundin lang namin kung anong gusto mo >

< Susundin ko lang siya kung maipapakita niya sakin na karapat dapat siya na maging master ko! >

< Tumigil ka sa pang-iinsulto sa Master natin! >

Argh! Pakiramdam ko mabibiyak yung ulo ko sa mga boses nila. So nasa isip ko nga talaga yung mga nagsasalita?! Ano na bang nangyayari? Mababaliw na ko eh...

< Master, nasa loob mo kami at ikaw lang ang nakakarinig samin. >

Saan ba kayo galing? Mukha akong tanga na nagsasalita sa isip ko.

< galing kami sa inyo, Master. >

Sino sino ba kayo?

< ako si Erie >

Siya yung unang nagsalita kanina na maliit ang boses.

< ako naman si Shui >

Siya yung matinis yung boses kanina. Yung madaldal..

< Rav, tsk! >

Siya yung kanina pa nang-iinsulto sa akin. Lalaki siya at tama lang ang boses.

< Azul, Master >

Huh? Di ko kilala yung boses niya.

< Yung isang nagsalita, Master ay si Azul. Tahimik lang siya at hindi mahilig magsalita kaya hindi niyo naririnig ang boses niya kanina > Shui

< Meron pang isa, si Lysh. Natutulog siya ngayon > Erie

So, ano yung pinapagawa niyo sakin?

< Alam kasi naming may problema ka sa arcana mo kaya tinutulungan ka namin. > Shui

< Gusto naming gamitin mo ang aming mga kapangyarihan upang maging isa kami sayo > Erie

Ano namang kapangyarihan ang gagamitin ko kung hindi ko alam ang arcana ko.

< Master ka ba talaga namin? Wala kang kaalam alam! > Rav

Ginagalit ba talaga ako ng isang toh!

< Wag niyo na lamang siyang pansinin, Master. Tutulungan ka namin basta mag-concentrate ka lang at huwag mong kakalimutan na iisa tayo. Sabihin mo lang ang salitang " Nullify " > Erie

Nullify? Ano yon?

< Gawin mo na lang, Master. Pumunta ka sa maluwag na lugar pero mas maganda kung walang tao > Erie

Okey...

Tumayo ako at nagsimula nang maglakad papalabas dito sa pwestong ito. Narating ko din naman kaya huminto na ako. Lumingon ako sa paligid at tiningnan kung may ibang tao.

Walang tao. Ngayon ano ng gagawin ko?

< Concentrate. Isipin mong iisa tayo at kung handa ka na. Sabihin mo ang salitang iyon >

Ipinikit ko ang mata ko at nag-concentrate. Nang maging mapayapa na ang isipan ko at ang naririnig ko na lang ang kalikasan ay saka ko naman sinunod ang pagiging isa namin.

....

B-bakit pakiramdam ko lumalakas ako? Ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng kapangyarihan. Nang alam ko nang hana na ako ay Nagmulat na ko mata at binigkas ang salitang

" NULLIFY! "

Third Person POV

Biglang humangin ng malakas at umikot sa paanan niya ang hangin. May lumabas na pulang bilog sa itaas niya. May mga linya ito at may mga nakasulat na hindi niya alam. Bumaba ito at parang iginuhit sa lupa ang pattern. May hindi makitang liwanag ang kumalat sa buong lugar.

< Nagawa mo, Master! > natutuwang sabi ni Erie at Shui

Nagtanong naman ang dalaga sa kanyang kausap

Ibang klase! Pero ano ba ang nagagawa nito?

< Nullify, isang malakas na kapangyarihan na kung gagamitin mo ay hindi ka tatablan ng iba. Hindi din makakagamit ng arcana ang kung sino man. Kung gaano kalaki ang sakop ng kapangyarihan mo... kung sino man ang mga taong nasa sakop ng kapangyarihan mo ay hindi makakagamit ng kanilang kapangyarihan. Sa madaling salita, kaya nitong pawalain ang arcana ng isang nilalang depende kung gaano tatagal ang pagkontrol mo dito > Erie

Malakas nga ang arcana na ito. Ako ba talaga ang nagtataglay nito?

< Oo, Master. >

Ang buong academy naman ay nagtataka kung bakit hindi nila magamit ang arcana nila.

" Anong nangyari?! Bakit hindi ko magamit ang aking arcana?! "

Lahat ay nag-iingay at puro iisang tanong lang ang sinasabi. Lahat ng estudyante ay sinubukang gamitin ang kani-kanilang arcana. Samantalang sa College department ay normal lang ang nangyayari. Ang apektado lang ang mga nasa elementary at high school department.

Ang mga elemento naman ay nagtataka rin sa nangyayari. Si Christle naman ay patuloy parin sa pakikipag-usap sa bahagi niya.

< Master sa ngayon ay mahina pa lang ang kapangyarihan mo. Hindi pa ito ganoon kalakas. Kaunting bahagi lang ng academiang ito ang nasasakop mo sa ngayon pero kapag na-master mo na ito ay kayang kaya mong makasakop ng mas malaki > paliwanag ni Erie

Argh! Biglang napaluhod ang dalaga at itinukod ang dalawang kamay sa lupa.

Nanghihina ako. Anong nangyayari, Erie?

< sa ngayon ay hindi pa kaya ng katawan mo ang ganitong kapangyarihan kaya mapapahinto mo lang ito pag sinabi mong " Resisto " >

" Resisto.. " agad na sinabi ng dalaga dahil nauubos na ang lakas niya.

Humangin uli ng malakas at biglang nawala ang pattern na nasa lupa.

Napa-upo ang dalaga habang hinihingal.

< Master, sa ngayon iyan muna ang ituturo namin. Kailangan mong kayanin dahil mas mahirap ang mga susunod naming ituturo sa iyo > Shui

< Sa tingin ko ay hindi niya kakayanin. Tsk! > Rav

May galit ba talaga sakin itong Rav na ito. Kung wala ako wala rin kayo.

< Naririnig ka namin, Master > Shui

Hays... ewan.. babalik na ako sa kwarto ko...

Nagsimula ng maglakad ang dalaga habang bumalik naman sa normal ang mga nangyayari.

Nullify ha....

Someone POV

" Ano ba talagang nangyari kanina? "

" Weird! "

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+

Chapter 29 DONE! ^__^

***Magical World*** (Slow Update^__^)Where stories live. Discover now