Chapter 30 : Nullify

Start from the beginning
                                        

Pinagmasdan ko ng maigi ang mga estudyante na naka-upo at mga nakapikit ang mga mata. Halatang nagco-concentrate talaga sila. Maya maya lang ay may nakikita na akong bumabalot na liwanag sa ibang estudyante. May kulay puti, asul, pula, berde at kung ano pa batay sa arcanang taglay nila. Ibang klase!

" Sir, nagawa ko!! "

" ako din! "

" kakaibang pakiramdam! Pakiramdam ko lumakas ako! "

" Magaling! Nakuha niyo rin. Sa mga hindi pa nakagagawa ay pag-aralan niyong mabuti. Ang pagpapalabas ng enerhiya ay nakadadagdag lakas sa isang arcananian. Nakagagaan ito ng pakiramdam at mas nagiging magaan ang inyong pagkilos. Ngunit kapag hindi niyo ito nakontrol ay manghihina kayo at mauubusan kayo ng lakas. Tandaan niyo yon. Sige na. Ipagpapatuloy natin ito sa susunod. Tapos na ang klase. Pumunta na kayo sa sunod niyong klase "

Agad naman akong napatago sa may pader. Narinig ko ang mga yabag ng paa nila papalabas ng pinto. Hinintay ko muna silang makaalis bago sumilip kung may tao pa. Balak kong pumasok sa training room at gusto kong gawin yung ginawa nila kanina. Hindi ko alam kung may arcana talaga ako.. at kung meron man ay hindi ko alam kung ano yon. Nang makita kong wala ng tao ay pumasok na ako at sinarado ang pinto. Inilibot ko ang tingin ko, nagbabakasakali na may makita akong larawan o kung ano man na pwede kong gamitin upang sanayin ko ang sarili ko. Pero wala akong nakita kung hindi ang buong kabuuan nitong metal na lugar. Di bale, narinig ko naman yung sinabi ng guro kanina.

Naupo ako sa isang tabi at ipinikit ang mata. Tahimik ang buong paligid kaya makakapag-concentrate ako. Huminga ako ng malalim at isinantabi ang lahat ng nasa aking isipan.

Concentrate...

Dinama ko ang kapangyarihan na taglay ko. Pero hindi ko talaga magawa dahil may biglang pumasok sa isip ko. Ano ba yung arcana ko? Paano ko dadamhin? At paano kami magiging isa kung wala akong kaide-ideya sa arcana ko? Argh! Siguro kailangan ko munang maghanap ng mas mapayapang lugar.

Lumabas ako ng silid at nagsimulang maglakad. Kung iisipin kong mabuti... kailangan ko ba talagang malaman ang arcanang taglay ko para mapalabas ko ang enerhiya ko? Hindi. Hindi ko kailangan na malaman agad ang arcana ko para magawa lang ang ganong bagay. Tama. Kailangan ko lang mag-concentrate at damhin ang kapangyarihan ko. Saan ba ako pupunta? Matagal pa akong naglakad hanggang sa may makita akong pwede nang lugar.

Na-upo ako sa tabi ng puno. Ipinikit ko ang mata ko at inisip lang ang gusto kong gawin. Dinama ko ang kapangyarihan ko. Yung una ay wala akong maramdaman pero paunti unti ay parang may nararamdaman na ako na mainit. Maya maya lang ay nabago ang pakiramdam ko. Biglang gumaan kaya naman napamulat ako. Nakita ko ang puting liwanag na nakapalibot sa katawan ko. Ibang klase! Ang gaan ng pakiramdam ko.

Tumayo ako at tumingin sa kamay ko. Iniisip ko lang kung pwede ko ba itong palabasin sa kamay ko. Nag- concentrate uli ako habang nakatingin ang mga mata ko sa kamay ko. Hindi ko doon inalis ang tingin ko kaya maya mayay nakita ko na dumadaloy ang liwanag papunta sa kamay ko. Naging hugis bilog ito. Nakakatuwang isipin na nagawa ko ito. Ngayon, paano ko ito ibabalik? Ah.. concentrate lang. Pumikit ako at dahan dahan kong isinarado ang kamay ko. Iminulat ko ang mata ko. Nawala na. Pero hindi pa iyon sapat para makapasa ako sa ranking test. Napa-upo uli ako at ipinikit ang mata. Walang tumatakbo sa isip ko na kapangyarihang pwede kong sanayin. Napabuntong hininga tuloy ako.

< Sabihin mo ang salitang "nullify" >

< Isipin mong iisa tayo at malalaman mo ang kapangyarihan mo >

< Sabihin mong "absorb" at may mangyayari... >

< Tsk! Ikaw ang master namin pero walang kaalam alam! >

***Magical World*** (Slow Update^__^)Where stories live. Discover now