Chapter 8 - Somebody That I Used To Know

Start from the beginning
                                    

Alam kong inaasar nanaman ako ni Kaz. Siya talaga lagi ang taga-asar sa akin but I won't give him the satisfaction kaya naka-poker face lang ako habang binabasa naman ni Patricia ang song list. Hindi nagtagal ay nakapili na si Patricia, nakita ko namang napangiti si Kaz at tumango pero nang lumabas na ang title ng kantang napili ni Patricia ay napaupo ako ng tuwid. She chose Gotye's "Somebody That I Used to Know."

Noong una ay nakayanan ko pang magpanggap na wala lang sa akin ang kanta ngunit nang kantahin ni Patricia ang parte ng pambabae ay puno ito ng emosyon: "Now and then I think of ALL THE TIMES YOU SCREWED ME OVER but had me believing it was always something that I'd done. BUT I DON'T WANNA LIVE THAT WAY; reading into every word you say. You said that you could let it go and I wouldn't catch you hung up on somebody that you used to know" – nakita ko na kung ano ang kulang sa ngiti ni Patricia.

She used to have a smile filled with positivity, confidence and pure happiness. Ano ang nangyari sa isang queen bee na laging darling of the crowd? Kasalanan ko ba kung bakit siya nagkaganito?

*flashback*

"Kumusta pare?" tanong sa akin ni Kaz.

"Tsk," yun lang ang sagot ko dahil hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawang pansasamantala ni Patricia sa akin noong isang araw. Putcha! Para akong nahalay sa ginawa niya. Hindi rin naman ako makatanggi na talagang uminit ang katawan ko ng haplosin niya ang katawan ko gamit ang kanyang kamay. Aaminin kong nalunod ako sa pinagsaluhang halik namin pero hindi yun dahil siya ang kahalikan ko kundi dahil na-seduce niya ako. Muntik ko na siyang angkinin, mabuti na lang at tumawag si Marco kaya nahimasmasan agad ako. Pinalabas ko siya kaagad sa condo dahil baka magbago ang isip ko.

Naiinis ako dahil kahit nakalabas na siya ay hinahanap pa rin siya ng katawan ko. Alam kong nasa tapat lang ng condo ko ang condo niya, at kung gugustohin ko ay pwedi ko naman siyang puntahan sa condo niya para maipagpatuloy ang naudlot. Pero ayokong pagsamantalahan ang ipinapakita niyang motibo. Pinsan siya ng babaeng mahal ko at kahit hindi naging kami ni Sandra, ayoko pa ring magtaksil.

Isa lang naman ang kundisyon ni Sandra para maging kami, yun ay kung titigil na sa pagkahibang sa akin si Patricia. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para kusa na siyang lumayo sa akin pero habang nilalayuan ko siya ay lalo niya naman akong hinahabol. Natatakot na rin ako dahil nagiging agresibo na rin ang mga paraang ginagawa niya.  Lalaki ako kaya hindi ako sigurado kung hanggang saan at kailan ko kayang tumanggi sa pang-seseduce niya.

"Hoy!" untag ni Kaz, "nabibighani ka na ba kay Patricia at talagang tinitigan mo pa siya?"

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya. May suot siyang mascara pero dahil maliit lang ito at hindi kasing laki ng suot ni mystery girl, madali ko siyang nakilala. Ilang sandali ay nagsimula na sila sa pagsayaw kaya pilit kong ibinaling sa iba ang mga tingin ko. Ayoko ng umasa siya na humanga ako sa kanya kaya kahit magaling siyang sumayaw, sa iba pa rin ako nakatingin.

"Pare, puro sila maseseksi. Kahit sino sa kanila ay welcome sa kama ko," birong may halong katotohanan  na sabi ni Mago.

"Gago ka, pare," mahinang binatukan ko siya para naman mabaling ang atensyon ko sa pag-uusap namin kaysa matukso akong tumingin kay Patricia, "Hinay-hinay lang baka maubusan ka ng katas, sige ka, hindi ka magkakaanak niyan."

"Hindi yun mangyayari. Healthy 'to, pare," sagot naman ni Mago.

Bigla akong nakaramdam ng kaba ng nagsimula ng bumaba ang mga dance troupe members. Alam kong ito na ang hudyat sa pagkuha nila ng kani-kanilang partners.  Sasayawan nila kami at bago pa man matapos ang sayaw nila ay ihahayag ang plano naming dalhin ang kung sino man ang ka-partner namin sa isang group date sa island resort nila Angelo. Ang ibig sabihin nito, magkakaroon ng mas maraming pagkakataong akitin ako ni Patricia at kung mangyayari yun, hindi ko maipapangako na makokontrol ko pa ang sarili ko.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMWhere stories live. Discover now