Chapter 30

2K 125 3
                                    

SHAUN POV

"Congrats babe!" sigaw ko at yumakap sa kaniya. Natapos na kasi ang shooting ng movie nila kaya wala na siyang gagawin. At dahil wala na siyang work, magbabakasyon kami! Hindi ko pa alam kung saan, siya na daw ang bahala.

"Thank you, babe." sabi niya habang nakayakap sa akin.

Nandito kami ngayon sa likod ng pinag-shooting-an nila. Walang tao dito kasi lahat ay kumakain. Sinama niya ako dito para daw makita ko kung paano ginagawa yung mga movies.

Na-amazed naman ako dahil sa mga mabibigat na eksena. Nakaka-proud si Blake dahil ang galing-galing niyang umarte. Hindi ko inakalang magiging magaling siyang actor slash model.

"Saan mo gusto unang pumunta?" tanong niya.

"It's up to you. Basta kasama kita kahit saan, okay lang." nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Really?" tanong niya na tinanguan ko. "That's why I love you, babe. You're so sweet." sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Napangiti ako at nang humiwalay siya sa yakap ay hawak kamay kaming naglakad palabas. 'Wag na daw kaming mag face mask dahil ayaw na daw niyang itago sa lahat ang relasyon namin.

Sobrang saya ko kasi handa na siyang ipakilala ako sa buong mundo. Hindi lang ako masaya, kinakabahan din. Baka kung ano na lang ang sabihin ng mga tao sa relasyon namin. Baka may magalit sa akin at ibash ako sa social media platforms.

Sumakay na kami sa kotse niya at bumalik sa condo. Magpa-pack na kami ng mga gagamitin namin sa bakasyon. Damit, short, underwear, sunblock, shampoos at madami pang iba. Halos kalahating minuto din ang tinagal namin bago kami natapos.

Pinindot ko ang button ng elevator para huminto at makapasok kami. Pinindot naman ni Blake ang baba kung nasaan ang parking. Mabilis lang kaming nakababa at naglakad papunta sa kotse habang buhat-buhat ni Blake ang mga bag.

Ako na ang nagbukas ng kotse dahil parehas may hawak si Blake. Sa backseat na lang namin nilagay yung mga bag para kapag may kailangan kami hindi na namin kailangan huminto at kunin sa likod.

As usual, pinagbuksan niya ako ng pinto. Kahit ilang beses na niyang ginagawa 'yon, kinikilig pa din ako. Nag-seatbelt na ako at hinintay siyang pumasok. Nag-seatbelt na din siya at inumpisahan na ang pagmamaneho.

Hindi ko talaga alam kung saan niya ako balak dalhin, basta kasama ko lang siya okay na. Habang nakatingin sa labas ng bintana, kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko. Hehehe.

"I'm sure, you will like the place." aniya.

"I'm so excited." hindi na makapaghintay kong sabi.

Bumitaw na siya sa hawak sa kamay ko at itinuon na lang ang atensyon sa pagmamaneho. Kanina pa ako kinakabahan dahil isang kamay lang ang gamiy niya sa pagmamaneho. Buti na lang bumitaw siya.

Dahil sa tagal ay pumikit ako sagpit pero nakatulog na ako. Nagising ako sa halik ni Blake sa iba't ibang parte ng mukha ko. Nang imulat ko ang mata ko ay ang magaganda niyang mata ang una kong nakita. Napangiti ako dahil do'n.

"We're here." sabi niya.

"Kakadating lang ba natin?" tanong ko at humikab.

"Nope, thirty minutes na." nakangiti niyang sabi.

"Bakit hindi mo ako ginising? Sayang naman yung time." sabi ko at tinanggal na ang seatbelt. Bumaba ako at ang magandang tanawin ang una kong nakita.

Ang magandang simbahan na mukha luma na ngunit halatang matibay. Ang mga halaman na pinag-gigitnaan ng mahabang daanan papasok sa loob ng simbahan.

Shaun and Blake Where stories live. Discover now