Chapter 32

1.6K 119 7
                                    

SHAUN's POV

Nagising ako dahil sa init ng araw na tumatama sa binti ko. Tumayo ako at umupo sa kama pero biglang sumakit ang ulo ko. Hangover!

"Argh, my head hurts." mahina kong sabi habang nakapikit dahil sa sakit.

"Hmm, good morning baby." sabi ni Blake habang nakapikit sa tabi ko.

"Good morning, ang sakit ng ulo ko." sabi ko at agad naman siyang tumayo.

"I'll get you some water." sabi niya at lumabas na sa kwarto.

Binagsak ko ang sarili ko sa kama dahil masakit pa din. Hindi ko alam kung kailan 'to mawawala, basta sana mapabilis.

"Here, drink this." sabi niya at binigay sa akin ang isang basong tubig.

"Mawawala ba yung sakit neto?" nakanguso kong tanong.

"Of course, just drink it. Inom ka ng inom tapos magrereklamo ka." sabi niya kaya tinungga ko na ang baso ng tubig at binigay sa kaniya.

"I'm hungry na." sabi ko at tumayo para pumasok sa bathroom.

"Kakain tayo sa baba." sabi niya.

Paglabas ko sa bathroom ay hinila niya ako at niyakap. Bumilis ang tibok ng puso ko na parang ito ang una naming yakap.

"Babe, you're so sweet." sabi ko at hinawakan ang braso niyang nakayakap sa akin.

"Gutom ka na ba? Let's eat." sabi niya kaya buwitaw na ako sa hawak at lumabas na ng room.

Paglabas ay dumiretso kami sa elevator. Nakangiti ako habang hinihintay bumukas ang elevator. Tumingin siya sa akin at tumingin din ako sa kaniya. Nakangiti siyang lumapit at hinalikan ang aking labi.

Tumagal ang halikan namin na hindi namin namalayan na bukas na pala ang elevator at may nanonood sa amin. Mabilis ko'ng tinulak si Blake at nauna nang lumabas habang nakayuko. Nakakahiya!

Pumasok ako sa isang restaurant na mukhang masasarap ang pagkain at naghanap ng table. Pinili ko ang table na nasa gitna at nauna nang umupo. Papasok na si Blake at laking gulat ko nang mabangga niya ang babae kaya bigla akong napatayo at pumunta sa kanila.

Pero mukhang sinadya ng babaeng mabangga kay Blake. Anong problema ng babaeng 'to?

"Are you okay?" tanong ko nang makalapit ako kay Blake.

"Yeah, I'm fine. Let's go." mukhang galit na sabi ni Blake at nauna nang pumunta sa table.

Hindi muna ako sumunod kay Blake dahil hindi siya humingi ng sorry kahit mukha namang kasalanan ng babae.

"Sorry." sabi ko at aalis na sana nang magsalita siya.

"Do you know him?" maarte niyang tanong kaya biglang nagbago ang tingin ko sa kaniya. Kung sungitan ko din kaya siya.

"Of course, bakit naman ako pupunta dito kung hindi ko siya kilala?" sarkastiko kong sabi.

"W-well you have a point. Pero are you his boyfrien-

"It's none of your business." pagsingit ko sa sinasabi niya. "May I go now?" peke kong tanong.

Bago ko siya talikuran ay nakita ko siyang tarayan ako pero hindi ko na 'yon pinansin at sumunod na kay Blake. May inorder na daw siya kaya naghintay na lang ako.

"Babe, are you okay?" tanong ko.

"Yeah, don't worry." sabi niya at ngumiti sa akin. Ngumiti din ako at dumating na ang pagkain.

Ilang minuto din kaming kumain at nang maisipan ko nang umalis ay pumayag naman siya. Nakahawak siya sa waist ko kaya napapangiti ako kapag naiisip ko 'yon.

Shaun and Blake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon