Chapter 12

2.2K 159 14
                                    

SHAUN POV

Maaga akong nagising para makapag-handa na sa pag-pasok. Hihintayin ko din kasi si Blake sa parking lot para himingi ng sorry. Sana nga lang at patawarin niya ako.

Nakaka-lungkot lang na nagalit siya sa akin. Well, kasalanan ko naman talaga e. Dapat lang siyang magalit sa akin. Pero sana hindi na ito tumagal pa.

Bumaba na ako at kumain. Nang matapos akong kumain ay palabas na sana ako ng maalala ko na wala nga pala akong service.
"Mom, sino po maghahatid sa akin?"

"Si Blake sana, kaso may gagawin daw siya ngayon e." malungkot na sabi ni Mom.

Bigla namang pumasok sa aking isipan si Clyde. Magpa-pahatid na lamang ako sa kaniya.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial sa number niya. Wala pang dalawang ring ay sinagot na niya ito kaagad.

"Good morning, Love. Miss me?"

"Yeah, i miss you. Can i have a favor?" nahihiya kong tanong.

"Of course, what is it?" mabilis niyang sabi.

"Paki-hatid naman ako sa school, wala kasi ako'ng service ngayon e."

"Sure, I'm on my way. Bye!" sabi pa niya at pinatay ang tawag.

Higit sampung minuto din ang aking hinintay bago ko makita ang kaniyang kotse. Kumaway muna ako sa kaniya bago pumasok.

"Where's my kiss?" aniya at bigla na lamang ngumuso.

"Shut up." tumatawa kong sabi.

Tumawa lamang siya at inumpisahan ng i-andar ang kotse. Nagpa-tugtog na lamang ako ng paborito kong grupo.

Ilang minuto ang nakalipas bago kami nakarating sa parking lot ng school. Nauna na akong bumaba at lalapit na sana sa pintuan niya ng humarang si Freya at humarap kay Clyde.

"Hi, cute guy." sabi niya gamit ang nakakalanding boses.

Tiningnan lang ito ni Clyde at nginitian. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng mas malaki. Tsaka siya umalis.

Nakaramdam naman ako ng inis dahil kay Abby. Tinalikuran ko na lamang ito at pumunta na sa room. Sa room ko nalang hihintayin si Blake, baka kung ano pa ang gawin sa akin ni Abby.

Pagpasok ko sa room si Kevin na nakangiti ang bumungad sa akin. Nasa gilid lang siya ng pintuan naka-upo kaya makikita mo agad siya.

Tumayo siya nang makita ako at niyakap. Nagulat man ako ay yumakap na din ako.
Nang bumitaw siya sa yakap ay nagtanong na ako.

"Bakit? Ano'ng meron?" taka kong tanong.

"Nothing, i just want to hug you." nakangiti niyang sabi.

"Okay, upo na tayo." yaya ko.

Sumunod naman siya at umupo. Nakatingin lamang ako sa blackboard pero green para mag-isip ng sasabihin kay Blake.

Nakatitig lamang ako sa blackboard nang may humarang na chocolate sa paningin ko. Tinignan ko kung sino 'yon at si Kevin lang pala.

"For you." nakangiti niya pang sabi.

"Para saan?"

"Dumaan kasi ako sa mall then nakita ko 'yan. Baka lang gusto mo, naparami kasi ang bili ko e." natatawa niyang sabi.

"Ahh, ganoon ba. Thank you!" buong galak kong sabi.

"You're welcome..." sabi pa niya. "...to my heart." pabulong niyang sabi sa dulo kaya hindi ko ito naintindihan.

Shaun and Blake Where stories live. Discover now