Chapter 21

1.7K 118 2
                                    

SHAUN POV

It's been a month simula noong umalis kami sa pilipanas. Pero siya pa din ang iniisip ko. I know it's sound stupid na ako yung umalis pero ako yung isip ng isip sa kaniya. Pero hindi ko mapigilan e. Ganoon ko siya kamahal, pero ganoon lang ang ginawa niya.

Siya pa lang ang minahal ko. Tapos ganoon ang makikita ko, ang sakit. Sinubukan ko'ng mag move-on. Lagat ginawa ko, nag-travel ako, nanood ng maraming movies, nag-aral. Pero kahit saan ako pumunta siya pa din ang iniisip ko.

"Shaun!" tawag sa akin ng kaibigan ko.

Nang pumasok ako sa school ay siya ang una ko'ng naging katabi. Parehas kami'ng transfer pero ang pinagkaiba lang ay ako ay galing sa ibang bansa habang siya ay sa ibang school lang. Naging close kami agad dahil half filipino half american siya.

Maraming nagkakagusto sa kaniya dahil sa kaniyang kagwapuhan, kahit ako naga-gwapuhan. Yung mga mata niyang may mahahabang pilik-mata. Yung labi niyang manipis ngunit hindi kasing pula ng akin. Ang ilong niyang kasing tangos ng ilong ko. Ang katawan niyang mapayat pero may muscles. Nakaka-attract.

"Why?" tanong ko sa kaniya.

"Can you come with me?"

"Saan? Malapit na mag start yung class." sabi ko.

Yes, nakakaintindi siya ng tagalog pero hindi niya kayang sabihin. Although kaya naman niya talaga pero nabubulol lang siya. At isa 'yon sa nakakatawang bagay sa kaniya.

"I'm craving for ice cream." sabi niya habang nakangiti pa.

"Sure, but you'll treat me." sabi ko.

"Of course, ikew pa." sabi niya. Natawa naman ako.

"It's ikaw not ikew." pagtatama ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya, "You know I can't say those filipino words correctly, but I'm trying." sabi niya.

"Yeah, yeah." natatawa kong sabi.

Pumunta na kami sa tindahan ng gusto niyang ice cream. At syempre, nilibre niya ako. Wala siyang kawala sa akin pagdating sa ice cream.

Vanilla, vanilla ang flavor ng ice cream. Naalala ko ang binili niyang ice cream na para sa akin. Karamihan doon ay puro vanilla, 'yon din kasi ang aking paborito.

"Let's go, we're getting late." sabi niya at hinila na ako.

Nagda-drama pa ako e, "It's because of you." singhal ko sa kaniya.

"Nilibrey na nga kitsa e." sabi niya.

"Okay, saleymat ha." pang-aasar ko sa kaniya na hindi naman niya na gets.

Pagpasok namin sa school ay wala na'ng mga students na pakalat-kalat. Malamang at nagsimula na ang klase. Binilisan pa namin ang pagtakbo papunta sa aming room.

"Mr. Shaun Klein Mendoza and Mr. Devin Rick Keller. Why're y'all late?" istriktong tanong ng teacher namin.

"We helped the senior citizen minutes ago." pagsisinungaling ni Devin.

"Okay, you can go back to your seat." sabi ni Ms. Solace na agad naman naming ginawa.

"You liar." bulong ko kay Devin.

"At least." sabi niya at ngumisi.

Ngumiti na lang ako at nakinig na sa tinuturo ng aming Lecturer. Ilang oras lang ay natapos na ang lahat ng subjects at uwian na.

Shaun and Blake Kde žijí příběhy. Začni objevovat