Chapter 17

2.1K 141 3
                                    

SHAUN POV

Nang imulat ko ang aking mga mata ay mukha agad ni Blake ang aking nakita. Napangiti ako sa isipin na nakatabi ko sa pagtulog ang mahal kong kaibigan na matagal ko ng hinintay.

"Good morning, baby." nakangiti niyang sabi.

"Good morning, Blake."

"I already cooked our breakfast for today, Come." yaya niya sa akin.

"Oka-

Napatigil ako sa pag-upo sa kama nang maramdaman ko ang sakit. Napahigpit ang hawak ko sa bed sheet.

"Hey, why? Is it hurt?" natatawa niyang tanong.

"Bwiset." mahina kong bulong.

"Dito na lang tayo kumain sa bed." sabi niya at kinuha na ang mga pagkain sa kitchen.

Sinubukan kong tumayo para pumunta sa comfort room. Pag-upo ko pa lamang ay sumakit na ito kaya tiniis ko muna ito bago ako magsimulang maglakad.

Dahan-dahan lamang ang aking paglalakad dahil bawat hakbang ay nararamdaman ko ang sakit.

Huminga ako ng malalim at tumakbo diretso sa loob ng comfort room. Pagpasok ko ay doon ko pa lamang naramdaman ang lahat.

Umupo muna ako sa toilet bowl at nag cellphone. Ngunit nakakapag-taka na wala man lang message or missed calls sila Mom and Dad.

Pinakiramdaman ko kung may masakit pa ba at laking ginhawa ko nang konting kirot na lamang ngunit kaya ko na itong pigilan.

Naghilamos ako saglit at lumabas na. Paglabas ko pa lang sa pintuan ay naamoy ko na ang mabangong pagkain.

"Smells good!" excited kong sabi.

"Well, I'm the cook." mayabang niyang sabi.

Lumapit na ako sa kaniya para maka-kain na kami ngunit pinahinto niya ako.

"Hey! Where's my kiss?" nakakunot-noo niyang tanong.

Ngumiti naman ako at agad siyang hinalikan sa pisngi.

"No! Here!" sabi niya at ngumuso.

Natawa naman ako dahil sa pag-nguso niya pero iginawaran ko pa din siya ng halik.

"Okay, let's eat!" sabi niya.

Nagsimula na kaming kumain at ang nararamdaman ko ngayon ay kapayapaan.

'Ewan ko ba kung bakit kapayapaan ang nararamdaman ko basta kapag kasama ko siya feeling ko walang problema, tahimik ang paligid, walang maingay.'

Nang matapos kami sa pag-kain ay nag-ayos na kami para sa pag-uwi. Ipinag-paalam na pala ako ni Blake kay Mom kaya wala akong natatanggap na messages and calls.

"Let's go." yaya niya sa akin.

"Okay."

Bumaba na kami sa building at pumunta sa parking lot. Nang makarating kami sa harap ng kotse ay aumakay na kami at nag seatbelt.

"Shaun." mahina niyang sabi.

"Yes?" inosente kong tanong.

"You know, I confessed to you that I like you and you said that you like me too, right?" dahan-dahan niyang tanong.

"Yeah?" nagtataka kong tanong.

"So we're official now, right?" tanong niya habang nakatingin sa aking mga mata.

Shaun and Blake Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt