Chapter 28

1.9K 124 14
                                    

SHAUN POV

R-18. Read at your own risk.

Pagkatapos namin kumain ay nag-paalam na kami dahil doon ako kila Blake mag i-stay. Ewan ko ba kung anong gusto niya, basta daw doon ako sa condo niya mag stay.

Pumayag na ako dahil gusto niya din'g sumama para makita sila Freya at Kevin. Excited na ako dahil bukas ay makikita ko na sila. Ano kayang nangyari sa kanila? Kinasal na ba sila? Nae-excite ako lalo!

Tinulungan ako ni Blake sa pag impake ng mga damit na kailangan ko. Lahat ng dala ko galing America ay dinala ko na sa condo niya. Trip ko lang, baka may kailangan ako tapos nasa kabilang bahay pala edi ba-biyahe pa.

Nang makuha na lahat ay lumabas na kami buhat buhat ang maleta ko at ilang gamit na hindi kumasya sa maleta. Nasa likod lang namin si Mom, ihahatid kami sa labas ng bahay.

"Blake, ikaw na. Ang bigat." hinihingal kong sabi.

"Okay, Hahaha." tumatawa niyang sabi.

"Anong nakakatawa?" nakataas ang kilay kong sabi.

"Nothing." sabi niya nang hindi tumatawa. Ang bilis magbago ng expression.

"Mom, dito na po kami." paalam ko kay Mom.

"Yeah, ingat. Feeling ko ikakasal ka na. Lilipat ka na ng bahay." malungkot na sabi ni Mom.

"Mom, ilang minutes or hours maybe ang itatagal kung sasakay ka." sabi ko at niyakap siya. "Pwede naman po kayong dumalaw do'n e."

"Ay hindi na, basta masaya ka ah."

"Opo Mom, thank you. I love you." sabi ko at hinalikan ang kaniyang pisngi.

"I love you more." sabi niya at binitawan na ako para makaalis na.

Nang makapasok na ako sa kotse ay kumaway pa ako kay Mom bago kami makaalis. Habang umaandar ang kotse ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

Nagulat ako nang ilagay ni Blake ang kamay niya sa kamay ko habang nagda-drive. Baka mabangga kami dahil sa kalandian niya!

"Blake! Baka mabangga tayo." natatakot kong sabi.

"Babe, expert na ako sa pagda-drive. May tiwala ka naman sa akin diba?" tanong niya na tinanguan ko naman. "Picture-an mo, iwo-wallpaper ko." nakangiti niyang sabi.

Dahil maganda ang ideya niya ay na-excite ako at kinuha agad ang aking cellphone at kumuha ng limang shots. Baka pangit yung iba kasi ang pangit ng kamay ni Blake. Joke!

Nang matapos ay pumili ako ng pinakamagandang kuha. Napangiti ako nang makita ang parehas naming kamay na magkahawak habang nagda-drive siya. Grabeng kalandian na ata 'to.

Pinalitan ko na ang default wallpaper ko nang picture namin. Sinend ko naman sa kaniya ang napili ko at kinuha ang kaniyang cellphone. In-slide ko lang 'yon at bumukas na. Walang password.

Bago ko palitan ay kinalikot ko muna ang cellphone niya. May mga games siya, Wild Rift, COD at Candy Crush? Natawa ako nang makita ang laro niya. Okay na sana yung dalawa kaso bakit may Candy Crush?

Pinalitan ko na ang wallpaper ng cellphone niya habang tumatawa. Kumunot ang noo niya dahil sa kalitohan. Tinuro ko ang mukha niya at tumawa ng malakas. Kumunot lalo ang noo niya at parang batang nakanguso.

"Why? What's funny?" nakanguso niyang tanong.

Hindi ako nakapagsalita at tumawa na lang. Hindi ako makahinga ng maayos kaya tumigil muna ako sa kakatawa at huminga muna habang nakangiti.

Shaun and Blake Where stories live. Discover now