Chapter 19

1.8K 130 3
                                    

SHAUN POV

'Get away from him.'

Nang mabasa ko ang mensaheng ito ay nabahala ako at nainis. Alam ko na kung ano ang kaniyang ibig sabihin at hindi ko 'yon gagawin.

Bumuntong hininga ako at inalis na ito. Hindi ko na lamang ito inisip at nagligpit na para makatulog...

Nang magising ako at binuksan ang aking cellphone ay messages ni Blake ang tumambad sa akin.

Blake

Good morning baby!

I love you and I miss you so damn much.

I can't wait to see you tomorrow and kiss your soft lips.

Napangiti ako sa kaniyang mga mensahe. Kakaiba talaga ang tama niya sa akin. Kahit sa mensahe lamang ay napakakilig niya ako.

Tumayo ako sa kama ng may ngiti sa labi. Naligo ako at nagbihis bago bumaba para mag-jogging kasama ulit si Molly.

Maaga pa kaya malamang ay tulog pa si Mom and Dad. But I'm sure na maya-maya lalabas na sila. Kumain lang ako ng tatlong bread at uminom ng tubig bago pumunta sa garden para kuhanin si Molly.

"Molly!" tawag ko ngunit walang Molly'ng lumalapit.

"Molly!" tawag ko ulit nagbabaka-sakaling lumapit na siya ngunit wala pa din.

"Molly?" nagsimula na akong maglakad para ikutin ang garden.

Dahan-dahan lamang ang aking hakbang dahil maputik sa dinadaanan ko. And there, i saw Molly kumakain ng 'i don't know the name' pero mukha siyang fruit.

Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko ay nawala na si Molly. Si Molly kasi ang una kong alagang aso kaya iniingatan ko ito'ng mabuti.

Itinali ko na siya at sinama sa aking pag-jogging. Higit isang oras ang inabot ko sa pag-jogging.

Nang simulan ko nang tumakbo pabalik sa bahay kasama si Molly ay biglang may humablot sa akin at tinakpan ang aking ilong ng kung ano.

Nang maamoy ko ang matapang na amoy na iyon ay bigla akong inantok. Nanghina ako at nabitawan ang tali ni Molly. Nakita ko pa sa aking paningin si Molly na tumakbo ngunit huminto din at bumalik para tulungan ako.

Kinagat ni Molly ang lalaking may hawak sa akin sa paa. Napasigaw ng malakas ang lalaki at sinipa ang aso ko. May mabilis na sasakyan ang huminto sa harapan namin at lumabas ang ilan pa'ng mga lalaking may tapik ang mukha.

Hinila nila ako papasok sa sasakyan. Hindi na ako makapalag dahil sa pina-amoy sa akin ng lalaki na iyon hanggang sa mawalan ako ng malay.

Nagising ako nang may nararamdamang sakit sa katawan. Sinubukan kong tumayo ngunit nakatali ang aking paa't kamay sa poste. Wala akong ibang nakikita kung hindi dilim.

Sinubukan ko'ng sumigaw ng tulong ngunit parang nasa malayo akong lugar. May narinig ako'ng bumukas na pinto kaya naalerto ako.

"Sino 'yan?!" sigaw ko.

"Tulong!" sigaw ko nagbabaka-sakaling may makarinig sa akin at tulungan ako.

Shaun and Blake Where stories live. Discover now