Chapter 22

1.6K 114 4
                                    

BLAKE POV

Pumasok ako sa school ng maaga para makita ko si Shaun. Hindi na ako nakapag-message sa kaniya dahil sa excited. Dito ko na lamang siya kakausapin pagpasok niya.

Naglalakad ako papunta sa room namin nang makita ko si Abbygail. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa abandoned room.

"Why are you here?" walang emosyon kong tanong.

"I miss you Blake." sabi niya at akmang yayakap sa akin ngunit umilag ako.

"I don't fvcking care. Bakit nagpakita ka pa? Bakit bumalik ka pa?" tanong ko.

"Because I miss you, that's why. Come back to me Blake." naiiyak na niyang sabi.

"Ako? Babalik sa 'yo? After what you did to me? To use me again?" I said with a sarcastic tone.

"I'm sorry, but I do love you. Please." nagmamaka-awa niyang sabi.

"Leave me alon-

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang halikan niya ako. Saglit lamang 'yon dahil dali-dali ko siyang tinulak na ikinatumba niya.

"What the fvck are you doing?! Are you insane?!" sigaw ko sa kaniya. "What if may nakakita sa ginawa mo?! Paano kung malaman 'yon ni Shaun?! You bitch!" galit kong sabi.

Dali-dali akong umalis sa room na 'yon at pinunasan ang aking labi. Nang may mga nakasabay ako sa daan ay umakto akong walang nangyari at dumiretso na sa room.

Ilang oras na lamang ay magsisimula na ang klase ngunit wala pa din si Shaun. Naghintay na lamang ako ng ilang minuto at baka nalate lang siya. Ilang minuto na ang nakalipas pero walang Shaun na dumating.

Nagsimula na akong mag-alala kaya naman lumapit ako kay Freya para tanungin kung nasaan si Shaun.

"Freya, did you see Shaun?" tanong ko.

"Yeah, i saw him an hour ago. May sinisilip siya sa abandoned room sa may gilid lang ng building naten."

Fvck! Nakita niya ba? Hindi pwede! Kailangan ko siyang puntahan. Dali-dali akong tumakbo pababa ng building at dumiretso sa parking at sumakay sa kotse.

I hope he's not mad nor disappointed on me. Sana hindi niya nakita 'yon. Sana may emergency lang kaya hindi siya nakapasok ngayon. Fvck!

Mabilis ko'ng pinaandar ang kotse ngunit nang padaan na ako sa highway ay may accident na nangyari kaya nag traffic.

"Bakit ngayon pa!" sigaw ko habang hinahampas ang manibela.

It's all Abbygail's fault! That bitch!

Fifteen minutes ang itinagal ng traffic bago umandar ang mga kotse. Binilisan ko ang pagda-drive papunta sa bahay nila.

Narrator

Papasok na ang kotse ni Blake nang harangin siya ng guard dahil walang sticker ang kaniyang kotse.

Ibinaba ni Blake ang salamin ng kaniyang kotse at sinabing pupuntahan niya ang bahay nila Shaun.

Walang ka-alam-alam si Blake na ang katabi ng kaniyang kotse ang sasakyang sinasakyan ni Shaun ngayon na patungo sa airport.

Nang makilala nang guard si Blake ay pinapasok na niya ito sa loob na mabilis namang sinunod ni Blake. Matulin ang pagpapatakbo niya sa kotse niya patungo sa bahay nila Shaun.

Bumaba siya sa tapat ng bahay nila Shaun at tinawag ito. Ilang beses niyang tinatawag si Shaun. Pati na din ang magulang ni Shaun ngunit walang sumasagot sa kaniya.

Lumabas ang maid ng katabing bahay nila Shaun at tinanong si Blake kung ano ang kaniyang kailangan. Tinanong ni Blake ang maid ng kabilang bahay kung nasaan sila Shaun na sinagot naman agad ng maid.

BLAKE POV

"Kaka-alis lang po nila." the maid said.

"W-what do you m-mean?" I asked.

"Lilipat ata sila ng bahay kasi may dala silang mga maleta e."

"A-are you sure p-po?"

"Iyon din ang sabi ng yaya nila. Kaya nga umuwi na sa probinsya yung yaya nila kasi aalis daw sila." sabi ng yaya.

What the fuck? Umalis siya ng hindi nagpapa-alam sa akin? It's so unfair! Why did he do that? Lord please, I hope they'll come back.

Sumakay ako sa kotse at nag-drive na pauwi. Hindi ko alam kung paano ako nakapag drive nang maayos basta't nakarating na ako sa condo ko.

Bumaba na ako at sumakay na sa elevator. Dahan-dahan ang lakad ko patungo sa condo ko nang maisip ko ang lahat ng aming ala-ala. Sana ay hindi sila umalis sa malayo. Sana bumalik sila.

Shaun...

Hindi ko alam kung bakit sila umalis. Sana wala itong kinalaman sa nakita niya o kung may nakita ba siya. I hope wala siyang nakita mas magands 'yon, kaysa naman sa nakita niya at bigla na lang umalis.

--------------------

Isang buwan na ang nakalipas pero hindi pa din sila bumabalik. Araw-araw akong bumabalik sa bahay nila. Nagbabaka-sakaling babalik sila. Pero lagi akong walang naaabutan.

Gusto na sumuko ng katawan ko pero ayaw pa ng puso ko. Pagod na ang katawan ko sa araw-araw na pabalik-balik dito. Pero ang puso ko ang nag-uudyok na bumalik dito.

Minsan ay hindi na ako kumakain kakahintay sa wala. Kahit sila Freya and Kevin ay walang ka-alam-alam kung nasaan sila Shaun. Para akong tanga dito na nakatambay sa harap ng bahay nila at naghihintay sa wala.

Ngayong araw ay hindi ako pupunta sa bahay nila. Gusto kong mag-inom ng mag-inom. Ewan ko kung bakit, basta gusto ko lang.

Pumasok ako sa bar na halos puno ang mga tao. Pagpasok ko pa lang ay rinig na ang mga sigawan ng mga tao. Halos lahat ng dinadaanan ko ay tumitingin sa akin kaya nginingitian ko na lamang sila.

Umupo ako sa tapat ng bartender at umorder ng mamahaling alak. Hindi ko alam kung anong klaseng alak 'yon basta ininom ko na lamang 'yon.

Dumapo ang paningin ko sa lalaki or gay na umupo sa tabi ko. Umorder siya ng baso ng alak at humarap sa akin.

"Hi, may I know your name?" tanong niya ng may galang na tono.

"Blake Martinez." sabi ko.

Mas matanda siya sa akin. Kung titingnan ay nasa mga mid 30's na siya. Iba siya sa mga gay na nakikita ko. Malinis ang ang kaniyang kasuotan. Walang bahid ng kahit anong make-up.

"Nice name. I'm Jake Santiago, a manager." sabi niya at nakipag shake hands sa akin.

"Nice to meet you, Sir Jake." sabi ko ng may ngiti.

"Are you interested on modeling?" tanong ni sir Jake.

"N-no, why?" kuryoso kong tanong.

"Well, look at you. You look like a model, you're fit in modeling." sabi niya ng may ngiti. "If you want pwede kitang ipasok doon. Here's my calling card if ever, kahit i-try mo lang." sabi ni sir Jake.

"O-okay sir." sabi ko na lamang.

"Okay, bye for now i guess." sabi niya at nginitian ko na lamang siya.

Matagal kong tinitigan ang calling card na binigay niya sa akin. Am I really fit on modeling? I know my looks are good pero hindi ko naisipang maging model someday.

Wala namang mangyayaring masama kung ita-try ko, right?

To be continued...

Shaun and Blake Where stories live. Discover now