Chapter 37

1.4K 111 31
                                    

SHAUN POV

Agad akong tumakbo nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nang makita kong siya nga ang pumasok ay agad akong tumalon at yumakap sa kaniya. Naiiyak akong kumapit sa kaniya habang nagsasalita.

"I love you so much." sabi ko sa kaniya na tinawanan naman niya.

"I love you more," sabi niya at hinaplos ang aking likod. "Matagal ko na'ng pinag-isipan iyon at ngayon ang tamang panahon." dagdag pa niyang sabi.

Nagsimula siyang maglakad habang buhat-buhat pa din ako. Narinig ko siyang kumuha ng tubig at nilapag sa table. Binaba niya ako sa upuan at inalok sa akin ang tubig.

Nang mainom ko ang tubig ay agad ko siyang niyakap ulit. Sobrang saya ko lang dahil hindi na namin kailangang magtago sa publiko. Sobrang saya!

"Sobrang saya ko babe, pwede na tayong magpakita sa publiko." sabi ko sa kaniya habang nakayakap.

"I'm happy that you're happy, my love." sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"Hello, I'm here kaya noh?!" sigaw ni Devin sa amin.

Nagtawanan naman kami at lumapit si Devin sa amin.

"Thank you for making my bestfriend happy." sabi niya at nakipag-kamay kay Blake.

Dahil sa masaya kaming lahat ay napag-isipan kong mag order ng pizza at drinks. Para naman makapag-bonding kaming tatlo. Pero sa kasamaang palad ay hindi makakasama si Devin.

Nakarating na daw dito sa pilipinas ang manager niya at mayroon siyang project na gagawin dito sa pilipinas. Magiging endorder lang daw siya ng isa sa mga kilalang pangalan sa industriya ng business o negosyo.

Pagkaalis ni Devin ay saka namang pagdating ng ni-deliver kong pizza at drinks. Ako na ang kumuha at si Blake naman ang nag-ayos ng lahat sa sala.

Naisipan ko sa sala para habang kumakain ay nanonood din kami ng movie sa netflix. Actually ako lang ang nanonood sa netflix, hindi mahilig si Blake doon.

Gusto ko sanang panoorin ang Highest Grossing Movie niya pero ang alam ko ay may kahalikan siyang iba kaya 'wag na lang. Baka masira pa ang mood ko.

"Here's the pizza and drinks!" sigaw ko nang makapasok sa loob habang si Blake naman ay may inaayos pa sa table.

"I'm done." sabi niya nang makaupo ako sa couch.

Nilapag ko ang pizza at drinks sa lamesa habang siya naman ay binubuksan na ang netflix. Unti-unti na siyang natuto sa netflix dahil sa kakanood sa akin.

"Anong movie ang gusto mong panoorin?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko yung horror." sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

"Babe, we're here to celebrate tapos horror?"

"Why? Are you scared?" nanghahamon kong tanong.

"Of course not, I'm a man." matapang niyang sagot sa akin.

"Then let's watch a horror movie." sabi ko at inagaw sa kaniya ang remote.

Pinili ko ang Insidious dahil iyon ang isa sa mga nakakatakot talagang horror movie. Hindi ko pa siya napapanood pero ni-recommend na sa akin ito ni Freya. Sinarado ko ang ilaw at umupo na sa tabi niya.

Takot na takot daw silang parehas ni Kevin. Mas malakas pa nga daw ang sigaw ni Kevin kay Freya. Kaya excited na akong makita ang magiging reaksyon niya kapag nagulat o natakot na siya.

"Ah!"

"Oh my god!"

"Tago!"

Hanggang sa natapos ang movie ay hindi ko man lang siya nakitang magulat. Halos lahat ay sigaw ko lang ang maririnig kapag may nanggugulat.

Shaun and Blake Where stories live. Discover now