Chapter 36

1.4K 115 11
                                    

SHAUN POV

"Bakit ang tagal niyo?" bungad agad ni Blake sa amin pagpasok ng condo.

"Siguro ilang months na kaming hindi nagkita kaya nakapag-bonding kami ng matagal noh?" sarkastiko kong sabi.

"Ble!" rinig kong sabi ni Devin sa likod ko. Dinidilaan si Blake.

Dumiretso na ako sa kwarto para magpahinga. Napagod ako sa kakatakbo nang may makakilala sa akin sa mall. Pilit nila akong hinabol, mabuti na lang at nakalayo ako at hindi niya nakilala si Devin.

Dapat ay magtatagal pa kami doon kaya lang may nakakilala na sa akin. Paano pa kaya kung nakilala nila si Devin, mas sikat iyon sa akin at mas maraming nakakakilala sa kaniya. Nanalo ba naman ng Oscar, sanaol.

Humiga agad ako sa kama nang padapa. Narinig kong bumukas at sumara ang pintuan pero hindi ko ito nilingon. Alam ko naman kung sino.

"Babe, I'm horny." sabi ni Blake.

"Babe, I'm...

"Horny too?" excited niyang tanong.

"Tired." sabi ko at narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

Tiningnan ko siya at napangiti ako nang makita ko siyang nakanguso habang nakatingin sa akin. Humiga ako at hinarap siya.

"Come." sabi ko at binuka ang dalawang braso. Lumapit naman siya at dumagan sa akin.

"I miss you so much, babe." sabi niya nang makayakap sa akin.

"You know that I love you, right?" tanong ko na tinanguan naman niya. "But I'm tired, ang daming humabol sa amin kanina. Nakilala nila ako, buti na lang nakatakbo agad kami ni Devin. I'm so fuckin' tired, I'm sorry babe." sabi ko.

"It's okay, you don't have to say sorry." sabi niya at hinalikan ako sa leeg.

Ilang minuto din kaming magkayakap. Hanggang sa marinig ko ang mahina niyang hilik. Diba dapat ako yung makakatulog kasi ako yung pagod?

Napailing na lang ako at  pumikit na din para matulog. Yakap-yakap ko siya habang nilalaro ang buhok niya hanggang sa tuluyan na akong makatulog.




NAGISING AKO sa ingay na nanggagaling sa labas. Si Blake ay tulog pa din pero ako na ang nasa taas niya. Dahan-dahan akong gumalaw paalis sa kaniya pero bigla niyang hinigpitan ang pagkayakap niya sa akin.

"Five minutes, please babe." sabi niya kaya hindi na muna ako gumalaw.

Sobra pa sa limang minuto ko siyang kayakap doon hanggang sa marinig ko ang katok sa pintuan. Umalis na ako sa bisig niya at lumapit sa pintuan. Pagbukas ng pinyuan ay mukha ni Devin ang sumalubong sa akin.

"Why?" tanong ko at nagkusot pa ng mata.

"Blake's manager is here." sabi ni Devin kaya agad akong lumapit kay Blake at ginising siya.

"Babe, your manager is here. May pag-uusapan ata kayo." sabi ko at niyugyog siya.

"Mmm, wait." sabi niya at nag-unat ng katawan.

Dire-diretso siya palabas ng kwarto kaya agad ko siyang pinigilan.

"Babe, mag-ayos ka muna." sabi ko pero nginitian niya lamang ako.

"Babe, okay lang." sabi niya at hawak-kamay kaming naglakad papunta sa table kung saan nakaupo ang kaniyang manager.

"Good morning Sir Jake." bati ko sa kaniya at nginitian naman niya ako.

"Good morning." sabi naman ni Blake.

"Good morning, kamusta naman kayo? May mga nanggugulo ba? Humahabol?" tanong ni Sir Jake.

Shaun and Blake Where stories live. Discover now