Chapter 7

2.6K 157 9
                                    

SHAUN POV

Nagising ako dahil sa lamig sa kwarto ko.

'Hindi ko naman nilalakasan ang aircon kapag matutulog. Pero bakit nakabukas?'

Dumilat ako at nangunot ang aking noo nang makita ang kisame. Iba ang kulay?

Saka ko palang na-alala na nakatulog nga pala ako! Dali-dali akong bumangon at ginala ang paningin sa buong kwarto.

Halos lahat ng gamit ay kulay asul. Hindi na ako magtataka kung ang may-ari ng kwartong ito ay lalaki.

Tumayo na ako at pumunta sa pintuan. Sumilip ako at nakitang walang tao. Sinarado ko na lamang ito at hinanap ang gamit ko.

Nang mahanap ko ito ay kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras.

'8:00PM?! Mahigit limang oras akong nakatulog?! Baka hinahanap na ako ni Mommy.'

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Blake. Nakaputing t-shirt siya at jersey shorts, pero bakit ang hot niya padin!!

Bumalik ako sa reyalidad ng yayain niya akong mag dinner. Hindi na ako tumanggi dahil nagugutom na din ako.

Nasa hagdanan pa lamang ay makikita mo na si Manang na naghihintay sa baba. Nakangiti ito habang nakatingin sa aming dalawa.

Nagtataka man ay sumunod ako kay Blake pababa.

"Magandang gabi iho, kumusta ang iyong pagtulog?" tanong ni Manang sa akin.

"Magandang gabi po, masarap po ang tulog ko.. malamig. hehehehe." natatawa kong sabi.

"Mabuti naman kung ganoon. Halika na sa hapag at kakain na."

Sumunod ako kay Manang at Blake. Inalalayan pa ako ni Blake ng upuan. Sweet!

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lamang ako saglit at nagpahatid na kay Blake.

"Manang, aalis na po ako. Maraming salamat po sa masasarap niyong luto." nakangiti kong sabi.

"Walang anuman.. bumalik ka dito ha."

'Why not!? hehehe..'

"Opo, kapag may time po.. thank you po ulit." ngitian niya na lamang ako bago ako tumalikod at sumunod kay Blake.
Pinagbuksan niya agad ako ng kotse. Pumasok naman ako habang inaalalayan ako ni Blake. Nag-seatbelt agad ako.. alam niyo na.

"Thanks for today." nakangiti niyang pagpapa-salamat sa akin.

"Wala 'yon, para naman iyon sa grades e."

"No, i mean.. sa pag-stay ng ilang oras dito."

"A-ahh.. ganoon ba. Wala iyon, nag-enjoy pa nga ako e." natatawa kong sabi.

"That's good." nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Inumpisahan na niyang mag-drive. Makalipas lamang ang ilang minuto ay nandito na kami sa tapat ng village.

Pinahinto ulit kami ng guard dahil nga walang sticker ang kotse ni Blake. Binaba niya ang bintana ng kotse.

"Sir, wala po kayong sticker."

Dahil sa nangyari noong nakaraan ay hindi na ako lumapit sa bintana at sinigaw ko na lamang ang aking sasabihin.

"Shaun Mendoza here po!" sigaw ko.

Napatingin naman sa akin si Blake. Ang guard naman ay lumapit sa bintana upang makumpirma kung ako nga ang nasa loob.

Nang makumpirma ito ng guard ay pinapasok na ang kotse ni Blake. Hindi ko na sinabi ang daan dahil kabisado na niya agad!

Shaun and Blake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon