Chapter 6

2.8K 176 10
                                    

SHAUN POV

Maaga akong nagising para mag-prepare ng mga kakailanganin sa gagawin naming small project.

Naligo agad ako at nagbihis bago bumaba para mag-breakfast. Nakapag-paalam na din ako kay Mom papunta kila Blake.

"Good morning Mom!" bati ko sa kanila.

"Good morning Baby! Are you excited?" nanunuksong tanong ni Mommy.

"W-why?"

"Because makakasama mo si Blake! Yieee!" aniya na kinikilig pa.

"Mom, pupunta ako doon para gumawa ng project. Okay?" seryoso kong sabi pero sa loob-loob ko nae-excite na ako! Makikita ko ang bahay nila!

"Okay, sabi mo e."

Pagkatapos kong mag breakfast ay bumalik na ako sa kwarto para i-double check lahat ng kakailanganin.

Naligo ako ulit para fresh ako mamaya kasama sila Blake at Kevin. Siyempre mga gwapo makakasama ko e, dapat maayos ang itsura ko kapag kasama ko sila.

Nang matapos akong maligo ay '11:50AM' na. Bumaba na ako at nagpahatid kay Kuya Robert papunta sa tapat ng village namin.

Laking gulat ko nang makita si Blake sa labas ng kotse niya habang nakasandal sa pintuan.

Bumaba ako sa mismong harap niya. Napa-ayos siya ng tayo ng mapansin niyang ako ang bumaba.

"H-hi!" nakingiti kong bati.

"Hi, so.. let's go?"

"S-si Kevin? Paano siya?"

"Tsk! Tinext ko na siya, naghihintay na siya sa tapat ng village namin. Okay na?" inis niyang sabi.

'Teka? Bakit ka naiinis? Hindi naman kita inaano ah.. Tinanong ko lang kung si Kevin e..' malungkot kong sabi sa isip ko.

"Bakit ka nakanguso diyan?" natatawa niyang sabi. "You're so cute talaga." napatingin naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.

"H-ha?"

"Nothing.. let's go." yaya niya sabay punta sa kabilang side ng kotse para buksan ang pintuan.

Natuwa naman ako sa ginawa niya. Nakapa-gentleman niya! Sana magkaroon din ako ng ganiyan.

Lumapit naman ako sa kaniya para pumasok. Napansin ko pa ang kaniyang kamay sa taas ng ulo ko na animo'y pinoprotektahan ang aking ulo sakali mang mauntog ako.

Pagkapasok ko sa loob ay hindi ko na napigilan ang ngumiti! Ngunit pagkapasok niya sa loob ay umayos na ako.

Tumingin siya sa akin. Dali-dali naman akong nag-seatbelt. Natawa siya sa aking ginawa. Napangiti na lamang ako.

Nang makarating sa tapat ng village nila ay nakita ko si Kevin na nag-aantay sa amin. Nang mapansin niya ang kotse ni Blake ay pumasok na siya sa kotse at sumunod.

Nandito kami sa tapat ng kanilang bahay este mansion! Malaki ang bahay namin ngunit triple ang laki nito!

Hindi ko maialis ang aking paningin sa bahay nila habang bumababa sa kotse. Napangiti ako dahil sa ganda! Napaka-ganda talaga.

"You like it?" tanong sa akin ni Blake.

"S-super!" namamangha kong sabi.

Napalingon naman ako kay Kevin ng lumapit siya sa tabi ko.

"Good afternoon Shaun." nakangiti niyang sabi.

"Good afternoon." sabi ko habang nakatingin pa din sa bahay nila Blake.

Shaun and Blake Where stories live. Discover now