Chapter 14

2.1K 141 17
                                    

SHAUN POV

Simula nang pumasok ako sa room ay hindi pa din nagbabago ang kaniyang itsura. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya. Tatanungin ko na lamang siya mamaya.

Nang mag-lunch break ay nagpaalam na muna ako kay Blake at Freya para kausapin si Kevin.

Nalungkot ako ng hindi niya kami yayain kumain sa canteen. Wala na akong taga-libre. Sayang naman.

Sinundan ko siya ng palihim, papunta siya sa garden na hindi masiyado binibisita ng mga estudyante. Napabuntong hininga na lamang ako at sinundan siya.

Umupo siya sa pang-dalawahang upuan. Hindi naman masiyadong malaki ang lamesa kaya maa-abot ko siya.

Nagulat pa siya ng bigla akong umupo sa tapat niya.

KEVIN POV

Nagulat ako sa pagdating at pag-upo niya sa tapat ko. Nakangiti lamang siya sa akin at nakatingin sa aking mga mata.

"S-shaun, w-why are you here?" nagtataka kong tanong.

"Bakit ka malungkot? Nag-aalala ako."

Bumuntong hininga ako at pinag-isipan kung sasabihin ko ba sa kaniya. Baka magalit siya sa akin kapag sinabi ko ang totoo. Ayoko siya'ng magalit sa akin, kaibigan na ang turing namin sa isa't isa.

"Because of love..." yumuko ako. "Nagalit siya sa akin dahil nilalapitan pa din ako ni Abby..." malungkot kong sabi. "We have a secret relationship."

"S-sino i-iyon?"

"It's Freya, you're bestfriend."

Nang maghiwalay kami ni Abby ay naghanap agad ako ng iba. Ayoko sa ugali niya, masiyado na siyang nakakasakit ng mga students dito.

At ang ipinalit ko kay Abby ay si Freya, bago maging kami ni Abby ay may gusto na ako kay Freya.

Maganda siya, sobrang ganda. Mukha siyang anghel sa labas pero kapag inaway mo ay kakaiba.

Umamin ako sa kaniya ng nararamdaman at ganoon din siya. Naging kami ngunit pribado ang aming relasiyon. Ayaw pa niya'ng isapubliko dahil kay Abby.

Aware din naman ako sa maaaring mangyari kapag nalaman ni Abby na may iba na ako'ng ka-relasyon.

Kaya pumayag ako na pribado na muna ang relasyon namin, tanging mga pamilya lamang namin ang nakaka-alam. Mukha lang kaming mag-kaibigan pero kapag wala ng tao ay doon lamang namin nailalabas ang pagmamahalan namin.

Ang mga pagkaing ibinibigay ko kay Shaun ay para dapat kay Freya. Kaso ay galit siya sa akin ng dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Bigla-bigla na lamang siya'ng nagagalit.

Kaya minabuti ko na lamang na ibigay kay Shaun ang mga iyon. Kaya ako dumidikit kay Shaun dahil lagi niyang kasama si Freya.

Para hindi mahalata ay kay Shaun ako madalas sumasama para walang mag-hinala.

At ngayon ay gusto na niyang makipag-hiwalay sa akin dahil nakita niya si Abby na hinalikan ako. Hindi niya nakita ang buong pangyayari kaya nagkakamali siya.

Sinundan ko siya ngunit hindi ko na siya makita kaya ipinagbukas ko na lamang. Ngunit kinabukasan lamang ay gusto na niyang makipag-hiwalay.

Sobrang lungkot ko nung narinig ko sa kaniya mismo ang mga salitang iyon. Hindi ko kaya kapag nawala pa siya sa akin, ayoko ng mawalan ng minamahal.

"Gusto mo ba'ng kausapin ko si Frey-

"Yes, please." mabilis kong sagot.

"Okay, mamaya agad. Kakausapin ko siya." nakangiti niyang sabi.

Shaun and Blake Where stories live. Discover now