Chapter 16

2K 148 5
                                    

BLAKE POV

R-18. Read at your own risk.

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin habang hinihintay sila Mom and Dad.

Aalis daw kami sabi ni Mom and Dad. Pupunta daw kami sa ibang bansa at doon na maninirahan dahil sa business nila Mom and Dad.

Ayaw ko man sumama ay wala na akong magagawa. Pinagalitan pa ako ni Mom dahil ayaw ko sumama. Dahil sa takot na mapagalitan ulit ay pumayag na ako.

Napansin ko si Shaun na umiiyak habang patungo sa akin. Hawak niya ang paborito niyang stuff toy.

"B-blake, Mommy s-said aalis na daw k-kayo? B-babalik pa ba i-ikaw?" tanong niya habang sunud-sunod na tumutulo ang mga luha niya.

"I don't know.. Basta kapag wala na ako hindi kana iyakin ha." pilit na ngiti kong sabi.

"I-i'll try.." humihikbi niyang sabi.

"Mag-iingat ka always.. Huwag kang magpapasaway kila Tita Laycee and Tito Shan okay?"

"O-okay.."

"Blake, let's go baka maiwan tayo ng plane." sabi ni Mom.

"So.. See you when i see you Shaun." nakangiti kong sabi.

Pagtalikod ko ay mas lalong lumakas ang kaniyang pag-iyak!

Hindi na ako tumingin ulit sa kaniya dahil baka magbago pa ang aking isip at pagalitan ako ni Mom.

Nang isasara na ni Manang ang pintuan ng kotse ay sinigaw niya ang aking pangalan.

"B-b-blake!" sigaw niya.

Hindi ko na lamang ito pinansin at yumakap na lamang ako kay Manang at umiyak.

Umiiyak ako hanggang sa pagdating namin sa Airport.

Higit kumulang eight years ang nakakalipas ng bumalik ako dito sa Pilipinas. Pinilit ko talaga ditong bumalik dahil gusto kong balikan si Shaun.

Ngunit nang balikan ko ang kanilang bahay ay wala na sila roon. Ibang pamilya na ang nakatira.

Nawalan ako ng pag-asa dahil doon. Nag-aral na lamang ako sa Toblé University para makapaglibang nadin.

Tatlong taon na akong nag-aaral sa University na 'yon at laking gulat ko nang makita ko si Shaun.

Flashback...

Gumising ako ng maaga para makapag-enroll ako sa University. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako at kumain.

Nang matapos ay dumiretso na ako sa University.

Pagbaba ko pa lamang ay naririnig ko na ang sigawan ng mga kababaihan sa akin. Pati narin ng mga binabae.

Binigyan ko na lamang sila ng ngiti. Habang nasa tabi ng pintuan ng kotse ay dumapo ang aking paningin sa lalakeng nakatitig sa akin.

'Mataba ang cheeks, mapulang labi, hindi katangkaran.. Parang may kilala akong ganiyan...'

Nilabanan ko ang kaniyang titig at iniwas naman niya ang kaniyang tingin. At nang ibalik niya ang kaniyang tingin sa akin ay nagulat siya nang ako'y nakatingin pa din sa kaniya.

'Parang namumukhaan ko talaga siya e..'

End of Flashback...

Ilang linggo ang nakalipas nang makumpirma ko na siya nga si Shaun Klein Mendoza. Ang matagal ko ng hinahanap.

Isinikreto ko sa kaniya ang pagkaka-kilanlan ko dahil gusto ko ay siya ang makakakilala sa akin.

Ngunit umabot ng ilang linggo ay hindi pa din niya ako naa-alala. Masakit ang makalimutan ng minamahal mo.

Shaun and Blake Where stories live. Discover now