" Thank you po ulet!" Tumango at ngumiti ako sa dalawa.

" Welcome" kumaway sila at nakatingin sa cellphone nung lumayo sa amin.

Kaagad akong napanguso at napatungo pagka-alis nila.

Napatawa naman si Lem at tinignan ko ito nang masama.

Magsasalita na sana ako kaso lang biglang kumulo ang tiyan ko.

Mas napanguso ako at tumawa na naman yung isang lalaking kasama ko.

" Tara. May alam akong masarap na kainan. Para mawala yung pagnguso mo hahaha" inirapan ko ito.

" Saan ba iyan? Bilisan mo nagugutom na ako" medyo inis kong sabi.

Ngumiti ito sa akin at hinawakan yung wrist ko tsaka ako hinila.

Dinala niya kami sa isang malaking pakubong restaurant. Madami-dami ding kumakain dito.

Binati siya nung isang waiter dito at bumati din siya sa iba pang tao.

Mukhang madami siyang kilala dito ah.

" Masarap dito kaso lang hindi ako ganoong madalas pumunta, medyo mahal din kasi ang pagkain" umupo kami sa isang lamesa sa may sulok.

Nakatingin sa amin mga kumakain pati na din mga waiter at waitress.

Bumuntong hininga ako at umupo sa isa sa upuan.

" Pwes, atleast makakakain ka ngayon" ngumiti sa akin si Lem.

Mas tumindi naman ang kulo ng tyan ko dahil sa amoy ng paligid.

Mukhang masarap nga mga pagkain dito!

May lumapit na waitress sa amin at ibinigay ang menu.

Nakatayo lang sa gilid namin yung mga tauhan ni Keian.

" Kayo? Anong gusto niyo?" Tanong ko sa tatlo na nakapoker face lang. Sabay silang tumingin sa akin at umiling.

" Non merci, maîtresse. Ne t'inquiète pas pour nous (No thanks, mistress. Don't worry about us.)" Tumaas ang kilay ko sa isang lalaking nagsalita. May kasama pala kaming french. Ngayong napagtuunan ko na siya ng pansin, hindi nga siya mukhang pilipino.

Nagkatinginan yung dalawa pang guard tsaka si Lem.

" Ay, maîtresse, pasensya na po. Bago lang po kasi siya sa Pilipinas. Siya po ay tauhan ni Maître Andre dati na taga France na nalipat kay Maître Andrew." Sabi nung isa pang tauhan.

Sunuri ko yung sinasabing dating tauhan ni Tito Andre.

" Maître André m'a demandé de garder un œil sur votre mari, maîtresse (I was asked by master Andre to keep an eye on your husband, mistress)" namula naman ako dun sa pagtawag niya ng husband kay Keian.

" Uhmmm. Can you speak english? I think our maîtresse can't understand" sabi dito nung isang tauhan. Ngumiti ako sa nagsalita tsaka umiling.

" It's okay, nakakaintindi ako ng French" lumingon ulit ako kay...

" Comment tu t'appelles?(What's your name?)"

" Dominique, maîtresse" ngiti ako sa kanya.

" Tu devrais manger avec nous, Dominique et merci de garder un œil sur Keian(You should eat with us, Dominique and thank you for keeping an eye on Keian). Kayo din, sumabay na kayong kumain. That's an order" nagtinginan naman ang tatlo. At maya maya lang ay umupo na kasama namin ni Lem.

I smiled satisfactorily.

Sinabi nila ang order nila pati na din sa akin at matapos ang ilang oras ay dumating na ang pagkain.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon