Kabanata 9

30.2K 1K 93
                                    

Magiisang buwan na akong nandito sa mansyon. Ganon pa rin naman ang ginagawa ko.

Madalang kong makita si maître Andrew pero nasisilayan ko siya tuwing napapadaan lang ako sa dining room kapag kumakain siya.

Sa totoo lang ay ayaw kong mapalapit sa kanya. Sabi nga ni manang, huwag akong lumapit sa kanila.

Madalang ko na lang din makita sina Zeke at yung mga kasama nila.

* kring kring*

Kinuha ko yung phone ko at nakitang tumatawag si Tiya. Kaagad ko itong sinagot.

" Hello po?" Nakarinig ako ng pagiyak at nagalala naman ako na baka may kung anong nangyari kay Brylle.

" Nassandra, si Brylle kasi eh." Kinalma ko naman yung sarili ko.

" Bakit po? Anong nangyari?"

" Kanina pa kasi umiiyak. Ayaw tumigil, gusto ka raw makita." Napakunot naman ang noo ko. Gusto ko mang pumunta doon dahil namimiss na ako nung anak ko kaso lang hindi pwede. At kung payagan man ako ay malayo yung bahay namin mula dito. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito.

" Pakisabi po makikipagvc ako sa kanya"

" Nasabi ko na sa kanya iyan eh. Gusto ka na raw mayakap" ngumiti ako nang mapait.

" Eh hindi po ako pwedeng makapunta diyan. Baka hindi po ako payagan" napaisip ako ng paraan.

" Tiya,pwede po bang pakibigay kay Brylle yung telepono?"

" Sige" lumakas yung tunog nung pagiyak.

" Brylle, eto na yung mommy mo oh." Bahagyang tumigil yung paghagulgol ni Brylle.

" Hey, baby. Are you okay? Why are you crying?" Suminghot siya.

" I miss you mama. Go home na. Huhuhu!" Namasa naman yung mata ko, sobrang namimiss ko na din siya. Nagpatuloy siya sa pagiyak at nagulat ako nang tawagin niya ang salitang papa.

" Papa! Huhuhu! Papa!" Bumalik ako sa time nung una ko siyang nakita.

Umiiyak siya noon at iisang salita lang ang lagi niyang sinasabi. Tinatawag niya ang Papa niya. And alam ko na baka hindi ako yung namimiss niya, kundi yung papa niya.

" I feel so alone papa!" Sumakit ang dibdib ko sa garalgal na boses ni Brylle.

" Brylle, you're not alone okay? Gusto mong magvideo chat tayo?" Lumakas ang paghikbi niya.

" No! You are not my Papa! You left me! I hate you!" Napahawak ako sa dibdib ko. Natahimik ako at hindi ko alam ang sasabihin ko.

" H-hey, baby. Listen alright. You're not alone. I'm here with you. I am talking to you. You'll always be by my heart okay? And I'm always in your heart right?" Tumahimik siya sandali.

" No, I don't want you" narinig ko ang pagsaway ni Tiya kay Brylle.

" Nassandra, hindi ka ba pwedeng magpaalam na aalis ka? Kahit ngayon lang?"

" Sige po, itatanong ko" malungkot kong sabi.

" Pasensya na Nassandra kay Brylle."

" Hindi po, dapat ako ang magsorry kay Brylle. Baka po masyado kaming nakakaabala" pumunta ako sa kusina para hanalin si manang.

"Ayos lang Nassandra, biyaya kayo ng diyos sa akin" napangiti ako.

" Thank you po Tiya"

" Sige, itext mo ako kung makakapunta ka"

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon