Kabanata 48

22.1K 854 151
                                    

Dedicate ko yung chapter na ito kay @Ysmaellahzzzzz. Thank you sa pagbabasa at pagvote yieeeeeee. At sa paghihintay ng update hahahaha. Au revoir!

------

Nakatayo lang kami nila Nathan, Emma at Jane dito sa may field kasama ang halos nasa isangdaang tauhan nila Keian na mostly ay nasa headquarters.

Ipinagutos kasi ni Keian na magkaroon ng inspection sa bawat tauhan dito sa mansyon. Kahit silang sampu ay kinapkapan, at syempre kami din.

" Arf!" Napangiti ako nang makitang tumakbo palapit sa akin si Leon.

Lumuhod ako para makatapat siya at hinagod hagod yung malambot niyang fur.

Napaiwas iwas naman ako nang sinimulan niya akong dilaan sa mukha.

" Arf! Arf!" Gumilid ang ulo ni Leon sa tatlong katabi ko na nanlalaki ang mata at nakatulala sa mga guards na kasama namin ngayon.

Malungkot akong ngumiti at tumayo tsaka lumapit sa kanila.

" Ayos lang kayo?" parang takot na takot na napatingin sa akin sina Ema at Jane habang nakatulala pa rin si Nathan.

" A-ahhh, oo. Hindi lang kami makpaniwala na ang pinagtat-trabahuhan namin ay... pumapatay talaga ng tao" sagot sa akin ni Jane. Parehas ko silang hinawakan sa balikat.

Ngayon nga lang kasi nila nalaman yung tungkol sa mafia ni Keian. Kaya naiintindihan ko kung bakit sila ganoon.

" Hindi naman sila masama at hindi sila pumapatay ng inosenteng tao" paliwanag ko dito. Tumingin lang sila sa akin na halatang hindi naniniwala pero tumango at natahimik.

" Nathan?" Napapikit pikit si Nathan at bahagyang ngumiti sa akin pagkaharap.

" Ayos ka lang?"

" H-ha?? Ahh. Oo" maikling sagot nito at parang hindi mapakali.

Kumunot ang noo ko dahil sa aksyon niya pero ipinagsawalang bahala nalang.

Napatingin ako kay Keian na nasa kabilang side nung field at nakikipagkausap kay Erick nang may maisip akong ideya.

Hindi naman siya magagalit kung sabihin ko kila Ema yung sasabihin ko noh?

Humarap ako sa tatlo na may serious expression.

" If you want to leave, pwede kayong umalis. Just please, huwag kayong magsusumbong sa pulis kasi malalaman at malalaman nila na kayo ang nagsabi" gulat na tumingin sa akin ang tatlo.

" Naku, Nassandra. Hindi talaga kami aalis, baka paghinalaan kami tsaka isa pa, kailangan namin ng trabaho at malaki ang sweldo dito. Masaya naman kaming magkakasamang tatli, diba?" Sabi ni Ema at lumipat ang tingin sa mga kasama niya.

" Oo nga, Nass. Alam ko namang hindi mo kami papabayaan. Mukhang malapit ka sa kanila eh" ngumiti ako sa kanilang dalawa tsaka tumango.

" Hindi ko kayo papabayaan" saad ko.

" Mga shunga ba kayo, umalis na tayo dito hangga't maaga pa" napatingin ako kay Nathan nang magsalita ito.

" Nathan, alam kong natatakot ka pero---"

" Huwag kang makielam dito Nass, hindi kita kaibigan" natigilan ako sa sinabi nito at nalungkot.

" Arf!" Tumahol naman si Leon at lumapit sa akin para manlambing. Siguro ay nasense niya yung lungkot ko. Hinagod ko naman yung balahibo nung aso at tumango.

" Sorry. Sige, iwan ko kayo" lumayo na ako sa kanila kasama ni Leon.

Hindi pa kasi kami pwedeng pumunta sa loob ng mansyon kasi iniinspect pa siya nubg mga pinagkakatiwalaang tauhan nila Kei.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon