Kabanata 70

19.6K 671 210
                                    

Sumilip ako mula sa labas ng pinto kay Aedin na nakahiga sa kama. Kasama niya ngayon si Laiza.

Limang araw na makalipas nung nahimatay ako at hindi ako pinapansin ni Keian o kahit ng sino man.

Syempre nalungkot ako dahil doon.

Bakit ba hindi muna nila pakinggan yung explanation ko bago hindi ako pansinin?

" Nassandra" napatingin ako kay Laiza na nasa harap ko na pala.

" Anong ginagawa mo dito?" Napayuko ako at nagisip ng isasagot.

" Napadaan lang" tinaasan ako ng kilay ni Laiza.

" Laiza? Sino yung kausap mo?" Rinig ko sa mayuming boses nung babaeng nasa loob.

Hindi ko alam pero naiinis ako dito kahit wala siyang ginagawa sa akin. May pamilyar din sa mukha niya.

Hinawakan ni Laiza ang braso ko at hinila palapit kay Aedin.

Malaki ang mata kong tumingin sa nakangiti nitong mukha.

Maganda siya, masasabi kong matangkad kahit na nakahiga at may inosenteng mukha.

" H-Hi" bati ko dito. Kumaway siya sa akin.

" Hello. You must be Nassandra" kumunot ang noo ko.

" Paano mo nalaman?"

" Madalas kang ikwento sa akin ni Kei" sa pagkakarinig ko sa pangalan ni Keian ay nakaramdam ako ng lungkot.

" Ah, s-sige. Madami pa kasi akong gagawin eh. Ba-bye!" Nagmamadali naman akong lumabas nung kwarto niya.

Nilipat kasi sa mansyon yung mga equipment nung sa treatment niya.

Nagkaroon kasi siya ng brain cancer nang January bago pa ako dumating dito sa mansyon.

Stage 3 lang iyon nung time na iyon pero lumala at naging stage 4.

Hindi ko pa rin alam kung sino siya para kila Keian pero parang ayaw ko nang malaman.

Pumunta ako sa may field at nagmuni-muni sa may gazebo.

It's quiet here and it makes me comfortable.

" Arf arf!!!" Napalingon ako sa pinanggalingan nung tahol at nakita ko si Leon na pilit na tumatakbo palapit sa akin kahit na nakasuot siya ng leash na hawak hawak ng isang tauhan.

" Woah!" Lumapit ako kay Leon at hinagod ang katawan nito.

" Bonjour, Leon" dinila-dilaan niya ang mukha ko at pilit ko siyang inilalayo sa akin.

" Seems like he really likes you" ngumiti ako sa sinabi ng tauhan at na kay Leon lang ang atensyon ko.

" Yeah... Well, I like him too" narinig ko ang tawa niya at hindi ko mapigilang mapataas ang tingin dito.

Nawala ang ngiti ko nang makita ang isang pamilyar na mukha.

No wonder, medyo pamilyar ang boses niya sa akin.

Tumigil siya sa pagtawa nang mapansin ang pagtitig ko sa kanya.

" Ahh, ma'am?" He asked uncomfortably.

Dahan dahan akong tumayo habang nakatitig lang sa kanya.

" K-kuya?" Kumunot ang noo niya.

" P-po?"

Nanlaki ang mata ko dahil kamukhang kamukha niya talaga si Kuya!

Napayakap ako dito.

Ang akala ko, napatay na siya ni Lolo pero sigurado akong yung nasa harap ko ay si Kuya Khalil.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon