Kabanata 36

23.6K 830 175
                                    

" F--- it. What the hell are you thinking, Laiza?" sambit ni Zeke dito. Ngumisi lang si Laiza.

" Nagsumbong ako, bakit ba" parang batang waging-wagi na sabi nito. You witch!

Inis na lumapit sa kanya si Steven at sinampal ito.

" What are you? A child? Alam mo man lang bang ampon lang si Brylle?" Galit na sabi nito. Ngayon ko lang nakitang ganito si Steven. Mostly kasi ay maloko siya at masayahin. Sinubukang suntukin pabalik ni Laiza si Steven pero nahawakan agad ni Devon ang kamay nito at madilim na tumingin kay Laiza.

" Stop it already, Laiza. You even made a story. Pathetic" nanlaki ang mata ni Laiza at natigilan.

Lumapit sa akin si Katie at pinatignan ko si Brylle.

" Nahimatay lang siya dahil sa takot but we need to check on him to make sure" tumango ako dito at hinayaan siyang buhatin si Brylle. Lumapit naman si Theo sa akin.

" Come on, Nassandra. Malakas sumipa si Laiza. You have to be checked too" umiling ako dito at pinunasan ang dugo sa bibig ko.

" No, Theo. I'm fine. Just check on Brylle" kumunot ang noo niya nang tumayo ako.

" What are you going to do?" Napatingin silang lahat sa akin. Malinaw ang inis sa mata nila Zeke, Steven at Devon habang seryoso ang mukha nila Erick, Maxence at Clara. Nakangisi naman si Dale.

" Kakausapin ko si Keian. He misunderstood so I'm going to tell him" halatang hindi impressed si Theo sa sinabi ko pati na din si Zeke.

" You can't Nassandra. He's too mad, you might get hurt" narinig kong sabi ni Maxence na first time, makipagusap sa akin. Umiling ulit ako.

" I don't care"

" Nassandra!" napatingin ako nang malamig kay Zeke nang tawagin niya ako. Nagulat siya sa tingin ko.

" Please, just make sure Brylle is safe this time" malamig kong sabi. Nanlaki ang mata niya. Hindi ko alam pero may narardaman akong hindi ko dapat maramdaman. Ayoko muna silang makausap.

Tinalikuran ko sila at umakyat ng hagdan.

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ni Keian ay tahimik lang ang buong paligid. And it's giving me chills. Ineexpect ko na makarinig ng pagbasag, resentment and everything. Pero wala.

Walang pasabi kong binuksan ang pinto at pumasok sa kwarto ni Keain.

Madilim sa loob at halos hindi ko makita ang buong kwarto. Binuksan ko ang ilaw at nakita na nakaupo si Keain sa sofa niya na naninigarilyo?

Nagkalat din ang gamit sa kwarto. Kaya pala tahimik na, tapos nang magdabog...

Blangko ang ekspresyon kong tinitigan siya. Matalim ang tingin niya sa akin habang hinithit ang sigarilyo niya.

" You shouldn't smoke. It's bad for your health" tinaasan niya ako ng kilay at tsaka binaba yung sigarilyo. Hinawakan niya yung basong may alak sa table habang nakatingin pa sa akin.

*crash*

Maya maya ay nabasag yung baso at tumapon ang alak sa loob nito. Nanlaki ang mata ko nang makita ang dugong dugong kamay ni Keian.

Sa isang iglap ay lumapit siya sa akin at kinulong ako sa braso niya habang ang kamay ay nakahawak sa pinto sa likod ko.

*slam* sinuntok niya ang pinto habang nakatitig lang sa akin.

" What do you know about me? Why do you care about my health? Bakit?! Anong PAKE MO?!" Galit na tanong nito. Nanahimik lang ako at hinayaan siya.

" WHY?" Sigaw niya. Nakatingin lang ako sa mata niya na maya maya ay may tumulong luha.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon