Chapitre 15

19.2K 679 218
                                    

So... Hindi pa rin siya Epilogue hahahaha\-_-/

---

Nakatakip ang kamay ko sa mukha ko habang hinihintay na bumalik si Keian.

Nakaupo ako ngayon sa sofa dito sa sala sa may front door.

It's been 2 hours, hindi pa din siya umuuwi.

Huhuhu.

It's all my fault...

Bumusangot ako at tumayo.

Matutulog nalang ako para hindi ako mabaliw kakaisip.

Tama!

Paggising ko tiyak nandito na siya...

Umakyat ako ng hagdan at pumunta sa may kwarto namin ni Keian.

" Argghhh"

Matutulog ako sa kama niya pero nakalimutan ko birthday niyaaa????

Huuuu!

Sumandal ako sa pader at napatampal ng noo.

" Ano ba yan kasi Nass..."

Nilibot ko yung paningin ko.

Bakit talaga parang walang katao-tao dito??? Ang tahimikkk!!!

" Aisshh---" natigilan ako nang may makitang papel sa may doorknob nung kwarto ni Keian.

Sa pagtataka ay kinuha ko ito.

May pa-heart heart pa sa papel.

Ano kaya ito???

" Nass!?"

" Ay pusa!" Humawak ako sa dibdib ko nang marinig ang sigaw ni Zeke.

Nangugulat naman itong lalaking ito.

" Bakit?!" Sigaw ko din pabalik dahil sa tingin ko ay nasa first floor siya.

" W-where are you?" Huh? Bakit parang kinakabahan ito?

" Nandito sa tapat nung kwarto namin ni Keia---"

" Wha--- Ah sh8t! Get away from there" nanlaki ang mata ko.

" Ano??? Bakit?" Narinig ko pa ang pagtakbo ni Zeke sa hagdan.

Wala pang ilang segundo ay nandito na siya sa floor na kinatatayuan ko.

Tumingin siya sa may doorknob nung pinto ni Kei tsaka lumipat sa akin.

" W-where...?" Nagtaka ako dahil parang takot na takot talaga siya.

" Where? Eto ba?" Itinaas ko yung papel na nakita ko.

Natigilan ito nang makita yung nasa kamay ko.

" W-why?" Mas lalo naman akong nagtaka.

" Ano susunod mong tanong? How?" Biro ko dito pero hindi man lang ito tumawa at seryoso lang ang mukha.

" Ano ba meron---" tinanggal ko sa pagkakatupi ang papel at nakita sa simula ang mga salitang...

Dear Nass...

Sumeryoso ang ekspresyon ko.

" Nooo! Bakit mo binuksan?!" Hindi ko pinansin si Zeke at nagpatuloy sa pagbabasa.

Do you remember? This is where I first saw you. The first time I saw your face. It's like I fell in love at first sight...

Nalaglag ang panga ko.

Iyon lang ang nakasulat sa papel pero takang taka na ako!!!

" A-Ano ito?" Tumaas ang tingin ko kay Zeke na nakangiwi na.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon