Kabanata 24

28.8K 1K 627
                                    

Nakaupo ako sa kamang uminom ng tubig na nasa nightstand sa tabi nung kama ko. Nandito pa ako sa infirmary at sabi ni Katie, bukas, pwede na akong bumalik sa trabaho.

Nakakabored nga na nandito lang eh. Kahit na araw araw na bumibisita si Keian at literal na dito na magt-trabaho.

Kahapon nang umaga, nagulat nalang ako nang pumunta siya sa kwarto ko umagang umaga, kasunod ang isa niyang tauhan na may dalang napakadaming papel.

Tinignan ko siya na nakaupo sa couch na nasa kwarto. Busy siya sa pagbabasa ng mga papeles. Iyon naman ang lagi niyang ginagawa eh.

Magulo ang buhok niya at hindi man lang naiisipang magsuklay. Bukod sa pagt-trabaho sa infirmary, dito na din siya natutulog. Actually, sa tabi ko siya natutulog eh. Walang hiya yung lalaki na iyon eh! Uutusan pa akong umusod sa kama. Maliit kaya yung higaan!

Bumuntong hininga ako. Kahit na nandito siya, lagi lang siyang tahimik at madaming ginagawa. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya??? Ano? Makikipagkwentuhan ako?

Napataas ang tingin sa akin ni Keian na may matching taas ng kilay pa.

" Do you want to help?" Tanong nito habang nasa papel na ang tingin.

Napatingin ako sa napakadaming papel sa coffee table na nasa harap niya at ngumiwi.

" No thanks" natahimik nalang siya at bumalik sa ginagawa.

" Try mo kayang magpahinga sa trabaho" binigyan niya lang ako ng malamig na mata tsaka hindi na ako pinansin.

Bumuntong hininga nalang ulit ako. Workaholic pala itong taong toh. Bakit hindi niya iyon ipagawa sa tauhan niya???

" Felix" napatingin ako sa kanya nang tinawag niya si kuya Felix. Tumingin ako sa paligid, baka may nakikita siyang tao na hindi ko nakikita. Ako ba ang kausap niya?

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Felix. Tumingin siya sa akin ngumiti bago humarap kay Keian tsaka yumuko.

" Maître" sumenyas si Keian na lumapit si kuya at may binulong.

Tumango si Kuya Felix at mabilis na umalis sa kwarto. Nagtaka naman ako sa kung ano man ang sinabi ni Keian.

Kahapon, bumisita yung mga naging pasyente ko sa ward. Nagsosorry sila kasi malapit na daw sila, hindi pa nila nalaman na may nakapasok sa headquarters. Pinagalitan tiyak sila nila Kei.

Syempre sinabi ko na ayos lang naman iyon, malayo layo ang kwarto ni manang at hindi maririnig kung may nangyayari ba sa kwarto na iyon.

At syempre nasa coma parin si manang, buti nalang at walang nangyaring masama kay manang. Hindi naman siya naapektuhan nung pinulupot nung lalaking iyon yung latigo kay manang. Buti nalang umabot ako.

Bumuntong hininga ako sa pangatlong pagkakataon. Napatingin ako sa phone ko sa nababaliw na ako sa sobrang bored ko. Gusto ko nang magtrabaho! Hindi ako sanay na nakahiga lang o nakaupo magdamag. Hindi naman na masakit yung sugat ko.

Naisipan kong pumunta sa gallery para tignan ang pictures namin ni Brylle. Hindi ko pa nasasabi sa kanila na nagpapagaling ako ngayon dahil siguradong magaalala sila at pipiliting pumunta dito. Hindi ko alam kung maguguilty ako o gagaan ang pakiramdam ko dahil hindi ko sila mapagaalala.

Bumukas ang pinto at muling pumasok si Kuya Felix na may dalang... gitara?!

May nanlalaking mata akong tumingin kay Keian nang ibinigay ni kuya ang gitara sa kanya.

" You may go" yumuko si kuya at umalis na. Papikit pikit akong tumingin sa kasama ko sa hindi paniniwalang nagpadala siya ng gitara.

" Beh" kasama ng gulat ay natigilan ako sa salitang nilabas nung bibig niya. Nakatingin lang siya sa akin.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon