Chapitre 2

21K 622 45
                                    

Tinignan ko ang itsura ko gamit ang salamin na nandito sa CR habang nagt-toothbrush.

Dark brown ang kukay ng mata nakatingin pabalik sa akin. Mahaba ang pilik mata, Pagkatapos ng halos apat na buwan simula nung nagpagupit ako ay medyo mahaba na yung medyo kulot na buhok ko.

Nakasuot ako ng t-shirt ni Keian habang naka cycling shorts.

Gusto raw akong makitang nakasuot nung damit niya!

Halos gabi gabi pinagpapalit niya ako ng damit.

Hmph.

Yumuko ako para dumura sa lababo at linisin ang bibig ko.

Naramdaman ko nalang ang pagbalot ng braso mula sa likod ko. Pati na rin ang pagdampi ng matipunong dibdib.

Ngumiti ako habang naghihilamos.

Hinawakan ni Keian ang papalaki ko nang tiyan.

" Goodmorning baby" hindi ako sigurado kung ako ba yung tinutukoy niya o yung nasa loob nung tiyan ko pero lumingon pa rin ako sa kanya.

Nagtagpo ang labi namin.

" Goodmorning" bati ko pabalik.

Ngumiti siya sa akin tsaka bumaba para humalik sa tiyan ko pagkatapos ay tumayo din nang maayos.

Kinuha niya ang isang towel tsaka binigay sa akin.

Ginamit ko ito pangpunas ng mukha ko tsaka inilagay sa counter dito sa CR.

" Vous êstes si belle, mon amour( You are so beautiful, my love)" hinawakan ni Keian ang pisngi ko.

He rubbed my cheeks with his thumb while staring at me.

Tinaasan ko ito ng kilay sa pagf-french niya.

" Je suis si contente de me réveiller tous les jours avec toi à mes côtés. Vous êtes ici, avec moi. Merci pour ça (I'm so glad I woke up everyday with you by my side. You are here, with me. Thank you for that)" kunwari ko siyang tinignan nang masama kahit na mapapangiti na ako dito nang wagas.

Bwisit kasi eh, nagpapakilig umagang-umaga.

" Eh bien monsieur, Tito Andre attend en bas. Allons-y( Well, mister. Tito Andre is waiting downstairs. Let's go)" ngumisi ako pagkatapos sabihin iyon at lumabas na ng banyo.

Nakita ko ang pagngiwi nito tsaka siya sumunod sa akin.

" Quelle? C'est la seule chose que tu me diras?( What? That's the only thing you'll say to me?)" Humarap ako sa kanya tsaka diniretso ang kunot nitong noo.

" Qu'est-ce qui t'arrive et tu parles français si tôt( What's with you and you're speaking French this early?)" He stared blankly at me.

" Vous aussi. Parlent en français ( You too. Are speaking in French)" ngumuso ako dahil sa sinabi niya.

" Eh sinimu---"

" What's odd is that you two are speaking French eh nasa Pilipinas naman tayo. Parehas naman kayong nakakaintindi ng tagalog, nagsasalita rin naman kayo ng tagalog. Hindi ko maintindihan" napatalon ako nang marinig ang boses ni Steven mula sa labas ng kwarto kahit na nakasara ang pinto.

Pinanlisikan naman ng mata ni Keian yung pinto. Kawawang pinto...

" Why are you here Steven? Can't you see that we're doing something?" Inis na sabi nung katabi ko.

" Oh! Ano ginagawa niyo? Tsaka hindi ko naman talaga nakikita eh. May pintuan kayang nakasa---" bago pa matuloy ni Steven yung sinasabi niya ay pinihit na ni Keian ang doorknob.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon