Chapitre 6

15K 485 108
                                    

Nassandra's POV

Napamulat ako ng mata dahil sa sikat ng araw na tumatama sa paningin ko.

Tinakpan ko yung liwanag dahil masakit sa ulo.

Tsaka ko naramadaman ang paghigpit ng yakap sa akin ni Keian.

" Hmmm. Nassandra, let's sleep moreee" husky nitong pagkakasabi.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras.

7:00 AM

Kakagising ko lang pero hindi na ako inaantok.

" Magluluto ako ng breakfast, just stay here and enjoy your sleep okay?" Mas kumapit naman sa akin si Keian.

Haystt.

" Nooooo. I'm sleepyyy. I'm always waking up early. This is the longest sleep I've ever had. At gusto ko pang pahabain yon, so please stayyy" bumuntong hininga ako at yumakap pabalik sa kanya.

Hinalikan nito ang noo ko habang nakapikit at nakangiting bumalik sa tulog.

Nang marinig ko ang mahinang paghilik nito ay dahan dahan akong lumayo sa kanya.

Hindi na talaga kasi ako inaantok at kailangan ko nang magluto ng umagahan.

Hahayaan ko siyang matulog nang matagal. Deserve niya naman iyon.

I pecked his kissable lips tsaka lumabas ng tent.

Oo, sa tent kami natulog.

Gusto ni Keian na sa tent eh. Tsaka isa pa, gusto ko rin maranasan matulog dun.

Nasa labas kami ng bahay buong gabi kahapon, sa tabi ng bonfire, nag-usap usap at mas nakipagkilala pa kami sa isa't isa.

It makes my heart melt.

It felt so good.

Yung maglabas nung nararamdaman mo sa malapit sa buhay ko.

Hindi ko iyon naranasan nang matagal na panahon.

I'm glad Keian's here with me.

Sinarado ko ang zipper ng tent.

Hindi naman mainit sa loob, malamig lamig pa nga dahil sa hangin eh.

Nagligpit ako nung ibang kalat namin na hindi naayos kagabi tsaka naglakad papunta sa bahay.

Nakasuot pa rin ang bikini ko pero may cover nang polo ni Keian at maikling shorts.

Bago ako magluto, magpapalit ako ng damit.

" Nassandra!" Bigla akong kinabahan nang may tumawag sa pangalan ko.

Private Island 'toh ah!

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Nakita kong kumakaway sa tabi ng isang bangka di kalayuan sa kinatatayuan ko si...

" Lemuel?" Ngumiti ito at tumakbo papunta sa akin.

" Bakit ka... nandito?" May pag-aalinlangan kong tanong.

Napakamot siya ng batok niya.

" Alam kong private island ito pero gusto lang kitang makausap eh." Kinunutan ko ito ng noo pero nakangiti.

" Kanina ka pa nandoon?"

" Hindi naman... Promise! Nagstay lang ako doon habang hinihintay ko kayong magising. Hindi ako lumibot o pumasok sa bahay" may matching taas pa ito ng kamay na nangangako.

Napangiti ako ng malapad.

Ganon pa rin siya tulad ng naalala ko

Masayahin at masaya kasama.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon