Kabanata 27

25.6K 925 99
                                    

Habang hawak ni Zeke yung paper bag nung stuff toy ni Brylle sa kanang kamay ay hawak niya naman sa kabila si Brylle. Ang kaliwang kamay niya naman ay hawak ko. Sa madaling salita, nasa gitna naming dalawa ni Zeke si Brylle habang naglalakad sa mall.

Kakatapos lang naming kumain at hindi namin alam kung saan pwedeng sunod na makapunta.

Tumigil si Brylle sa paglalakad kaya tumigil din kami ni Zeke.

Napansin kong nakatingin siya sa laruan para sa mga bata na nadaanan namin na nasa gilid ko

( Ano tawag dun? Hehe.)

Yung may mga slides tsaka may mga mini houses. Madami ding bata yung nasa loob nung lugar.

" Do you want to play there Brylle?" Napatingin yung bata kay Zeke pero bumalik ang tingin sa may playground.

Napakagat ako ng labi nang makita yung presyo nung entrance. Napakamahal. Hindi ba yan overpricing!!!

" No" maikling sabi ni Brylle at nakatungong hinila kaming dalawa palayo doon.

I'm pretty sure na iniisip niya na naman yung expenses. He's too young for that.

Napatungo din ako at mas napakagat sa labi.

" Ohmyghad. Bakit naman kasi napakamahal doon? Hindi ba sila nababatas? Maawa naman sila sa mahihirap na katulad namin. Grabe! Aish! Malapit pa naman ang birthday ni Brylle at ito ang unang beses na makakapasok siya dyaan kahit na gusto niyang dati pa maexperience yung ganon. Okay lang iyan Nass, para kay Brylle. Para kay Brylle" mabilis bulong ko sa sarili ko habang nakatalikod kila Zeke.

Nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko at napatingin ako kay Zeke.

" His birthday is near?" Nagtaka ako sa tanong niya pero tumango parin. Teka lang?! Narinig niya yung bulong ko na iyon?

Bigla siyang ngumiti at lumapit kay Brylle. May sinabi siya dito at biglang sumigla yung itsura nung baby ko. Napatakbo siya sa akin at nagtatalon sa harap ko.

" Mama! Papa said, I can go inside. He'll pay for it daw. Can I? Can I?" Tinaasan ko ng kilay si Zeke at napahawak nalang siya sa batok niya.

Bumuntong hininga ako tsaka tumango kay Brylle at mabilis na lumapit sa babaeng namamahal dun sa pangbatang laruan.

Nakangiti kaming sumunod ni Zeke.

Nang makapasok na si Brylle ay kaagad siyang nakipag-usap sa ibang batang nandoon at nakipaglaro. He's getting good at socializing.

Parehas naman kaming sumandal sa railings ni Zeke habang pinapanood si Brylle.

" Thank you Zeke" tumingin ako sa kanya at nginitian ito. Nakatingin lang siya sa salamin nung place, nakatingin lang sa loob.

" Gaya ng sabi mo, it's his birthday at kailangan ko na talaga siyang bigyan ng regalo. Don't worry, it's cheap" inirapan ko siya.

" Ang mahal kaya! Porket mayaman kayo eh! Maid lang kasi ako." Naguluhan naman ako nang sumeryoso ang mukha niya.

" We don't see you as a maid Nass. Especially Kei. You're special for him" nanigas yung katawan ko. Okayyy. Huwag kang mamumula, Nassandra.

" T-tigilan mo nga ako. Biro lang iyon." Napatungo nalang ako at napatitig nalang siya sa akin.

Nakarinig ako ng ring at napatingin ako kay Zeke na tinignan yung phone niya. Kumunot ang noo niya bago sagutin yung tawag.

Biglang dumilim ang mukha niya habang pinakikinggan yung tumawag sa kanya.

" I'll go there immediately" napabuntong siya nung binaba niya yung tawag.

Tumingin siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon