" I know, Lem. Gusto mong pumasok muna sa bahay? Magpapalit lang ako ng damit, tutal tulog pa naman si Keian tapos mag-usap tayo" mas lumaki ang ngiti nito.

" Okay Nass!"

Pinapasok ko siya sa bahay at pinaupo muna sa sofa para makapagpalit ako ng damit.

Nang makapagsuot ng maayos na damit, binalikan ko si Lem na manghang mangha sa nakikita niya.

" Ang ganda noh?" Lumingon ito sa akin.

" Ah, oo. Napaka..." Bumuka ang bibig ko nang sinabi niya iyon nang nakatingin sa akin.

Natawa nalang ako.

" Ikaw talaga" natawa na din siya.

" Hindi ba magagalit yung asawa mo na nandito ako?" Napaisip naman ako.

Naipaliwanag ko na kagabi sa kanya yung tungkol kay Lem and alam ko na naintindihan niya iyon. Sana hindi magalit si Keian.

" Hindi naman siguro. Kaibigan naman kita eh. Tsaka alam ko namang wala kang balak na masama" ngumiti ito, labas lahat ng ngipin.

" Thank you Nass! Ang bait mo talaga kahit kailan!" Umupo ako katabi nito at hinawakan ang dalawang kamay nito.

" Sa iyo dapat ako magpasalamat, Lemuel. Kung hindi dahil sa iyo, baka hindi ako nakalagpas sa buhay lansangan. Hindi pa kita lubos na napapasalamatan kaya salamat nang maraming marami..." Pinisil niya ang kamay ko.

" Kahit naman sinong makakita nung kalagayan mo tutulungan ka..."

" Hindi ah. Kaya nga maraming salamat eh" binitawan nito ang kamay ko at winagayway ang kamay sa harap ko.

" Huwag mo nang isipin iyon. Matagal na iyon, may maganda ka nang buhay ngayon at may kasama ka na. Let's talk about something else shall we?" Natawa ako sa sinabi nito at tila gumaan ang loob ko.

" Thank you par---" nanlaki ang mata ko at napatakbo sa CR.

" Nassandra?!" Narinig kong sumunod sa akin si Lem sa CR habang sumusuka ako sa toilet.

Ughh.

Hinagod ni Lem ang likod ko habang sumusuka at itinabi pa ang buhok ko para hindi ko masukahan.

" Sorry" sabi ko nang matapos.

Pumunta ako sa lababo para maglinis ng bibig.

Nagtoothbrush na din ako, nakakahiya...

" Okay lang... Buntis ka pala? Hehe. Hindi ko nahalata" ngumiti nalang ako dito dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.

" Uy, ayos ka lang? Mukhang--- ow!" nanlaki ulet ang mata ko nang makita naman na nasa may pader na si Lem habang hawak hawak ni Keian ang kwelyo nito.

" What the f--- are you doing in our house!?" Galit na sabi ni Keian.

Lumapit ako sa kanila pero pinanlisikan ako ng mata ni Keian.

" You! You let him in here?! What are the two of you doing huh?"

" Wala kaming ginagawa Keian, bumisita lang si Lemuel" mas itinaas ni Kei si Lem at parang nasasakal na ito.

" You are trespassing, bastard! Hindi mo ba alam na private island ito?!"

" A-alam ko naman, p-pasensya n-na" umigting ang panga ni Keian.

He banged Lem at the wall.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Baka mapahamak si Lem

" Are you planning something against Nass?! Don't you know me? I, can kill you and all of your loved one without mercy. I can make your life hell. So tell me, why are you here?" Madiin ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Keian.

Maid for the Mafia BossWhere stories live. Discover now