EPILOGUE

1.8K 58 14
                                    

6 months later

"Anak! Pumayag na si Mr. Dy sa request namin!"

"Talaga Mom?!"

Agad kong niyakap si Mom at sabay kaming nagtatalon talon sa saya. Sa wakas ay tapos narin. Tapos narin ang araw ng pagpapanggap namin ni Liden. Matatapos narin ang fake relationship na meron kami.

"Masaya ako para sainyo Mom!"

Huminto naman na kami sa pagtatalon at kumalas naman kaagad si Mom sa pagkayakap ko saka niya ako tiningnan ng masayang tingin.

"Anak mas masaya ako para sayo. Alam kong ito na yung day na hinintay mo. Yung day na matapos na ang fake relationship niyo ni Liden. Sorry anak hah! Kung hindi dahil saamin ay hindi ka nasaktan. Sorry talaga anak."

"Aishh si Mom talaga oh. Diba napag-usapan na natin toh mom? Tapos na kaya magsaya nalang tayo!"

"Anak eh maghanda ka na at pupunta sila Liden mamaya dito para pirmahan niyo yung end of contract!"

Hindi ko alam kung kaylangan ko pa bang pirmahan iyon pero ang mahalaga ko nalang na gawin ay ihanda na talaga ang sarili ko. Alam kong matagal na ang nakakalipas pero hindi ko maaalis sa sarili ko na apektado parin ako hanggang ngayon. Pero kahit ganun pa man ay alam ko sa sarili ko na hindi na dapat!

Agad naman akong umakyat at naghanda dahil maya maya raw ay darating na sila Liden. Aisshhh bakit pa kase kaylangan ng ganito? Actually lagi akong tinatawagan, tinetext at kada gabi ay pumupunta si Liden dito para humingi ng sorry and second chance but I always rejected him. Kahit sa school ay stranger nalang ang turing ko sakanya. Ewan ko ba kung abnormal siya, ang saya saya naman niya kapag kasama si Sarah tapos pag wala na si Sarah eh lalapit lapit siya saakin! Aisshh, anong akala niya saakin? Manika, na pwedeng paglaruan?

______

"Marianne anak, baba ka na dahil nandiyaan na sila."

"Yes Mom pababa na po!"

Whoah. Eto na Marianne! Kaya mo yan! Agad akong bumaba, hindi na ako ganun pa nagbihis dahil dito lang rin naman kami sa bahay, nagdress nalang ako.

Pagkababa ko sa hagdan ay agad akong napabaling kay Liden, gaya ng dati ay alam kong sobrang gwapo parin niya, nakaramdam rin ako ng bilis ng tibok ng puso pero hindi ito dapat! Kaya agad ko itong pinigilan. Lumapit ako sakanila na dala ang masasaya kong ngiti.

"Hi po Mr. And Mrs. Lim, hi Liden!"

"Hi Marianne!" Sabay na bati nila saakin, si Liden naman ay nakatulala lang saakin, kahit nakakailang ay hinayaan ko nalang.

"Ahm Mr. And Mrs. Lim, huwag no po nating patagalin, ipapirma na natin sa mga anak natin ang contract kase may pupuntahan pa kami, gusto atang pumunta ni Marianne sa lola niya eh."

"Ok!"

Agad namang nilabas ni Mrs. Lim ang contract. Medyo kinakabahan ako pero mas nangingibabaw parin ang saya. Ibinigay saamin ni Mrs. Lim ang contract at pipirmahan ko na sana ito ng bigla siyang nagsalita.

"Marianne, sa tagal ng fake relationship niyo ng anak ko, hindi manlang kayo na fall sakanya?"

Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. So, it means na hindi niya alam kung anong kalokohan ang ginawa ng anak niya saakin? Hindi niya alam kung gaano niya ako sinaktan? Tumitig ako kay Liden saka nagsalita.

"Actually po, maraming masasayang memories ang nagawa namin ni Liden, pero mas nangingibabaw po yung mga masasakit na ala-ala. Hindi po mahirap mahalin yang anak niyo kase napakabait niya, pero hindi naman po maaalis sa isang tao ang mga masasamang ugali. Alam ko pong ideal boy ang anak niyo pero iba po ako eh, he's not my ideal man, hinding hindi na po ako mafafall sakanya."

Kita sa mukha ni Liden na sobrang nalulungkot siya at parang may mga namumuo ng luha sa mga mata niya.

"Ahm Mrs. Lim mukhang napirmahan na nila, may pupuntahan pa kasi kami eh kaya next time nalang tayo mag-usap."

Hindi naman talaga kami aalis at wala naman talaga akong pupuntahan ang alam ko lang ay ginagawa ito ni Mom dahil akala niya ay hindi ko kaya, akala niya ang masasaktan lang ako at akala niya ay naapektuhan parin ako pero kahit ganun pa man ay hinayaan ko nalang.

"Ahm ok Avery, sige mauna na kami."

"Bye po, bye Liden!"

"Bye!"

Alam kong may impact saakin yung paglasabi ni Liden ng "bye". That bye means move-on. That bye means forget and forgive. But no! Marianne! They wait for your revenge.

Agad namang umalis sila Liden pero bago pa man sila makalabs ng gate ay sinundan ko siya at tinawag.

"Lideeennn!" Pagsisigaw ko

Agad naman siyang humarap saakin. Bakas sakanya hanggang ngayon ang lungkot. Lumapit siya saakin at sa hindi malaman na rason ay nagslowmo ang paligid ko, bumilis ang tibok ng ouso ko at napatitig nalang ako sakanya. Agad naman siyang lumapit saakin saka niya ako niyakap.

"Marianne I love you! I always love you!"

"Liden no!"

Tinulak ko siya papalayo kase iba na itong nararamdaman ko. Hindi ko dapat ito maramdaman! Kaylangan ko itong pigilan!

"Tinawag lang kita dahil gusto ko itong ibalik sayo!"

Agad ko namang inabot sakanya yung necklace na niregalo niya saakin noong first fake date namin.

"Marianne, sayo yan, hindi ko yan matatanggap."

"Liden sorry pero ayaw kong maiwan yan saakin."

"Pero Marianne---"

"Liden!! Gusto na kitang kalimutan At hindi ko iyon magagawa kung may mga bagay parin na naiiwan saakin na mga bigay mo!"

Pilit kong ibinigay sakanya yung box ng bracelet at mabilis akong umalis sakanya. Habang naglalakad ako papapasok sa bahay ay naririnig ko ang tangis o pag-iyak ni Liden, unti unti naring tumulo ang mga luha ko, hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako. Pero hindi na to, hindi na ito tama kaya itigil mo lahat Marianne.

Bakit ba naman kasi ganito tadhana? Bakit malungkot ang ending namin?  Pero tapis na eh, kaylangan ko nalang itong tigilan.

I love you Liden! I really love you Liden, but we are only met with no destiny.

End.

   The bad boy meets the good girlWhere stories live. Discover now